Humihirit ang House impeachment prosecution panel ng mas mabilis na proseso upang matapos ang marking ng makakapal na documentary evidence sa impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte, lalo na sa confidential funds article.
Sa press conference sa House of Representatives nitong Martes, nagbigay ng update sina House impeachment lead prosecutor Atty. Gerville “Jinky Bitrics” Luistro ng Batangas at House prosecutor Joel Chua ng Manila sa ongoing pre-trial conference sa Senado bago ang July 6 trial date.
“As a matter of fact, we are on Day 3,” sabi ni Luistro.
Ayon kay Luistro, ang agarang problema ay ang dami ng mga documentary exhibit na kailangang markahan.
“I wish to share that indeed the documents for confidential fund is really voluminous,” sabi niya.
Sinabi ni Luistro na tinitingnan ng prosecution kung matatapos hanggang Huwebes ang marking sa kasalukuyang setup, kaya nakausap na nila ang Senate officials para maghanap ng paraan na mapabilis ang proseso.
Giit niya, nais ng prosecution na masunod ang orihinal na July 6 timeline na inanunsyo sa pre-trial conference.
“Right now, there are four teams who are facilitating the marking of exhibits,” sabi ni Luistro.
Sa kasalukuyan, apat na teams ang gumagawa sa marking: isa para sa unexplained wealth at tatlo para sa confidential funds. Pero ayon kay Luistro, may agam-agam pa rin ang private at public prosecutors kung matatapos ang trabaho hanggang Huwebes.
Ayon kay Chua, pinag-aaralan ng prosecution ang pagdagdag ng teams at dagdag na dates, kabilang ang mga araw na karaniwang walang pasok sa Senado.
“Ngayon na una we are contemplating on adding more teams and additional dates,” sabi ni Chua.
“Alam namin na Friday and Saturday walang pasok ang Senado pero because of these voluminous documents, kino-consider na rin namin na pati ang Friday at Saturday kung papayagan tayo na magamit na rin,” dagdag niya.
Ayon kay Luistro, umaabot sa humigit-kumulang 1,900 ang Department of Education (DepEd) payment-related documents, habang higit 2,000 naman ang para sa Office of the Vice President (OVP).
Mas humahaba rin ang proseso dahil humihingi ang defense ng sarili nitong marking sa hiwalay na set ng mga dokumento, kaya kailangan munang magkumpara bago markahan.
“Magkakaroon ng comparison of document before marking, one for the prosecution and next for the defense,” sabi ni Luistro.
Bukod sa exhibit marking, tinatalakay pa ng prosecution ang ilang usapin na maaaring ihain sa impeachment court. Kabilang dito ang posibleng disclosure ng witnesses at least three days bago ang presentation, partisipasyon ng public at private prosecutors sa pagprisinta ng witnesses, at posibleng pagbubukas ng Bureau of Internal Revenue (BIR) box sa lalong madaling panahon, kung papayagan ng korte.
Nang tanungin kung kasama na ang mga ito sa naunang submission ng prosecution, sinabi ni Luistro na tinatapos pa ng team ang posisyon nito.
“We will be finalizing our position regarding those matters, and whatever the decision of the team will be, we might be filing a manifestation tomorrow,” sabi ni Luistro.
Ayon pa kay Luistro, patuloy nilang hinihingi sa defense ang mas malinaw na paglalarawan kung para saan ang kanilang witnesses.
“Our comment to their purposes for which the witnesses are being presented are very general,” sabi ni Luistro.
Dahil dito, humihiling ang prosecution ng mas specific na statement of purpose sa presentation ng witnesses. /Bistado


