Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Higit 1K pulis, nahaharap sa kasong administratibo sa Q1 2026

Mahigit 1,000 tauhan ng Philippine National Police (PNP) ang isinailalim sa administrative proceedings sa unang tatlong buwan ng 2026, ayon sa PNP, sa gitna ng pinaigting na kampanya para sa disiplina at pananagutan sa hanay ng kapulisan.

Batay sa datos ng Internal Affairs Service (IAS), umabot sa 1,048 PNP personnel ang kinasuhan sa 490 administrative cases mula Enero hanggang Marso ngayong taon.

Mas mataas ito kumpara sa kaparehong panahon noong 2025, kung kailan 770 personnel ang kinasuhan sa 332 cases. Ayon sa PNP, ipinapakita ng pagtaas na ito ang mas aktibong internal monitoring at mas consistent na pagpapatupad ng disiplina sa hanay.

Sa kabuuang kinasuhan ngayong Q1 2026, 806 ang Police Non-Commissioned Officers, habang 242 ang Police Commissioned Officers. Ayon sa PNP, ipinapakita nito na ipinapatupad ang accountability measures sa lahat ng antas ng organisasyon.

Sa pinakahuling datos, nagrekomenda na ang IAS ng administrative sanctions laban sa 323 personnel. Kabilang dito ang 41 dismissals, 64 suspensions, 20 demotions, at 11 reprimands.

Samantala, 187 personnel ang na-exonerate, na ayon sa PNP ay patunay ng pagsunod ng serbisyo sa due process at fairness.

Giit ni PNP Chief, Police General Jose Melencio C. Nartatez Jr., hindi puwedeng isantabi ang disiplina sa serbisyo-pulis.

“Ang serbisyo sa publiko ay may kaakibat na mataas na pananagutan. Kapag may pagkukulang, kailangan itong harapin at itama. We owe the people a police organization that acts with integrity at all times,” ani Nartatez.

Dagdag pa niya, ipagpapatuloy ng PNP ang pagpapalakas ng internal processes upang mabilis na matugunan ang misconduct habang pinoprotektahan din ang mga pulis na gumaganap ng tungkulin nang may honesty at professionalism.

“We are firm when it comes to accountability, but we are also fair. Our goal is not just to correct lapses, but to build a culture where doing what is right becomes the standard,” sabi ng Chief PNP.

Ayon sa PNP, bahagi ang mga hakbang na ito ng tuloy-tuloy na pagtutok sa Focused Agenda nito, partikular sa pagpapalakas ng Integrity Monitoring para patibayin ang internal discipline at accountability systems. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles