Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Luistro: Presscon, hindi kapalit ng pagharap sa Kamara

Mariing sinabi ni Batangas Rep. Gerville “Jinky Bitrics” Luistro nitong Huwebes na hindi puwedeng gawing kapalit ng kampo ni Vice President Sara Duterte ang press conference sa pagharap sa House Committee on Justice.

Si Luistro, chairperson ng House Committee on Justice at isang abogado, ay nagbigay ng pahayag sa panayam sa dzMM matapos mapuna ang pagsagot ng kampo ni Duterte sa media kasunod ng mga pagdinig ng komite.

“Although we acknowledge the fact that this is her right, her prerogative to attend or not, ang problema kasi pagkakatapos ng hearing, dun sila sumasagot sa presscon,” ani Luistro.

“So hindi naman natin pwede i-consider ang kanilang pronouncement sa presscon because that is not a formal proceeding. That is not the proper forum. The proper forum is the Justice Committee,” dagdag niya.

Ayon kay Luistro, ang patuloy na pagsagot sa labas ng pagdinig ay nagpapakita ng problema sa pagtrato ng kampo ni Duterte sa proseso ng Kamara.

“Well that is one interpretation of their position. Hindi sila nagbibigay galang sa House of Representatives. Much more, hindi nila iginagalang ang constitutional process,” sabi niya.

Binigyang-diin ni Luistro na mahalagang makita ng publiko na iginagalang ng mga opisyal ng gobyerno ang mekanismo ng pananagutan na nakasaad sa Konstitusyon.

“It is important for the government officials to show to the public that they respect this accountability mechanism because this is what the constitution provides,” ani Luistro.

“Ano ba sabi sa Saligang Batas? Public office is a public trust and government officials must be accountable to the people at all times. At all times, dapat accountable tayo,” dagdag niya.

Para kay Luistro, malinaw ang kahulugan nito kapag may pormal nang pagdinig sa mga alegasyon laban sa isang opisyal.

“Ibig sabihin, if ever there are allegations of offenses and there is a formal hearing that is going on, you should be attending and answering the allegations which are being charged against you,” sabi niya.

Kinuwestiyon din ni Luistro kung bakit pinipili pa ng kampo ni Duterte na sumagot sa press conference kung naniniwala silang walang ebidensiya ang mga alegasyon.

“If they believe na wala talagang ebidensya itong lahat ng ito, bakit pa sila mag-pre-presscon to answer everything that is happening in the Justice Committee?” tanong niya.

Ani Luistro, dapat ay mas humarap pa sila sa komite kung layunin nilang sagutin ang mga tinatawag nilang baseless accusations.

“Dapat nga mas umattend sila so that they can rebutt ang sinasabi nilang baseless accusations,” sabi niya.

Idinagdag pa niya na kung alam ng isang taong walang batayan ang ibinibintang sa kanya, mas lalo dapat itong humarap upang ilabas ang ebidensiyang makapagpapawalang-bisa sa mga alegasyon.

“Di ba, pag ikaw pinagbibintangan, alam mo sa sarili mo na walang basis yung ibinibintang sa iyo, di ba lalong manggagalaiti kang umatend dahil gustong gustong mong isabog itong mga ebidensya mo na magpapawalang visa ng lahat ng aligasyon laban sa iyo. That’s what I understand,” ani Luistro.

Sa halip, ayon kay Luistro, ang nakikita ng komite ay ang hindi pagdalo at ang paulit-ulit na pagkuwestiyon sa konstitusyonalidad ng pagdinig.

“Kaya lang, ito nga, ang naging inclination nila is not to attend, always questioning the constitutionality of the proceeding of the Justice Committee,” pagtatapos niya. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles