Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

3 Chinese na dawit sa online scam, money laundering sa Pampanga, arestado

Tatlong Chinese nationals na iniuugnay sa umano’y online scamming at money laundering activities ang inaresto ng Bureau of Immigration (BI) sa Angeles City, Pampanga.

Sa pahayag ng BI nitong Miyerkules, kinilala ang mga naaresto bilang sina Zhang Zheng, 42; Ren Yi, 28; at Zhang Shengjun, 31.

Ayon sa bureau, naaresto ang tatlo matapos umanong maabutang nag-o-operate ng computer equipment na ginagamit umano sa fraudulent online schemes na target ang foreign victims.

Isinagawa ang operasyon noong April 27 sa isang residential property sa loob ng Pulu Amsic Subdivision sa Angeles City.

Ang pag-aresto ay isinagawa ng mga operatiba mula sa BI Fugitive Search Unit, sa pakikipag-ugnayan sa National Bureau of Investigation–Organized and Transnational Crimes Division.

Ayon sa BI, nag-ugat ang operasyon sa intelligence information na ibinigay ng National Bureau of Investigation.

Batay sa impormasyong iyon, ang mga suspek ay napag-alamang bahagi umano ng tinatawag na “breakaway” scam hubs. Ang mga grupong ito ay pinaniniwalaang binubuo ng former Philippine offshore gaming operator workers na muling nagsasagawa ng illegal activities sa residential areas upang makaiwas sa mga awtoridad.

Sa initial verification ng bureau, lumitaw na isa sa mga suspek ang may valid working visa, isa ang may expired visa, at ang ikatlo ay permanent resident.

Sinabi rin ng BI na bigo ang tatlo na magpakita ng kanilang passports o anumang valid immigration documents sa oras ng pag-aresto.

Kasalukuyang nasa BI Warden Facility ang tatlong suspek habang nahaharap sa deportation proceedings. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles