Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Higit 1K pamilya lumikas sa La Union dahil sa masamang panahon

LA UNION — Umabot na sa 1,191 pamilya ang lumikas sa iba’t ibang bahagi ng La Union dahil sa epekto ng Tropical Storm Maymay, low pressure area (LPA) Luis at pinalakas na habagat hanggang 5 a.m. nitong Huwebes.

Batay sa situational report ng La Union Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), 732 pamilya o 2,080 indibidwal ang kasalukuyang nananatili sa mga evacuation center.

May 459 pamilya o 1,375 indibidwal naman ang lumikas ngunit nanunuluyan sa labas ng mga evacuation center.

Nagmula ang mga evacuee sa mga bayan ng Bacnotan, Bangar, Luna, San Juan, Bauang, Burgos at Caba, gayundin sa San Fernando City.

Naranasan din ng 42 barangay sa Agoo, Bauang, Naguilian, Luna at San Fernando City ang pagkawala ng kuryente. Naibalik na ang suplay sa 33 sa mga apektadong barangay.

Nakapagtala naman ng pitong bahay na bahagyang nasira sa Bauang.

Nagsagawa na ang pamahalaang panlalawigan, sa pamamagitan ng PDRRMO, ng pamamahagi ng relief supplies sa Bauang, Aringay, Agoo, Luna, Bangar at Bacnotan.

Tiniyak ni La Union Governor Mario Eduardo Ortega na nakahanda ang pamahalaang panlalawigan at mga lokal na pamahalaan sa pagtugon sa masamang panahon.

“We are always prepared, as long as there’s advice of typhoons, we always mobilize almost everybody. Now, not only with the provincial government, but even our local government units, they are all prepped up,” ani Ortega.

Tiniyak din ng gobernador na bibigyan ng pagkain at iba pang pangunahing pangangailangan ang mga residenteng nananatili sa evacuation centers. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles