Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

GDP growth hindi gumalaw, nanatili sa 2.8% sa first quarter

Hindi gumalaw sa 2.8 porsiyento ang year-on-year growth ng ekonomiya ng Pilipinas noong first quarter ng 2026 kahit inamyendahan ang performance ng ilang mahahalagang industriya.

Inihayag ng Philippine Statistics Authority (PSA) nitong Huwebes, August 6, na nanatiling 2.8 porsiyento ang Gross Domestic Product (GDP) growth para sa January-to-March period matapos ang pinakahuling pagsusuri sa datos.

Iniakyat sa 0.7 porsiyento mula 0.5 porsiyento ang growth rate ng manufacturing. Mas malaking upward revision ang ginawa sa transportation and storage, na itinaas sa 5.0 porsiyento mula 4.4 porsiyento.

Bahagya ring inamyendahan pataas sa 4.7 porsiyento mula 4.6 porsiyento ang wholesale at retail trade, kabilang ang repair of motor vehicles and motorcycles.

Nabawasan naman ang naunang estimates para sa ilang sektor.

Ibinaba sa 2.9 porsiyento mula 3.9 porsiyento ang growth rate ng other services. Inamyendahan din sa 0.03 porsiyento mula 0.7 porsiyento ang electricity, steam, water and waste management.

Bahagya namang ibinaba sa 5.9 porsiyento mula 6.1 porsiyento ang paglago ng education sector.

Pababa rin ang rebisyon sa mas malawak na income indicators. Ibinaba sa 2.9 porsiyento mula 3.0 porsiyento ang first-quarter growth ng Gross National Income (GNI).

Samantala, inamyendahan sa 3.5 porsiyento mula 4.5 porsiyento ang Net Primary Income from the Rest of the World.

Ayon sa PSA, bahagi ng regular na proseso ang pagbabago sa GDP estimates at naaayon ito sa international standard practices at sa national accounts revision policy ng ahensiya.

Ang 2.8 porsiyentong GDP growth ang pinakamabagal mula noong first quarter ng 2021, nang magtala ang ekonomiya ng 3.8 porsiyentong contraction sa panahon ng pandemya.

Kung hindi isasama ang pandemic period, ito ang pinakamahinang quarterly growth mula noong fourth quarter ng 2009, nang lumago ang ekonomiya ng 1.8 porsiyento.

Sa kabila ng magkakaibang rebisyon sa mga industriya at income indicators, hindi nagbago ang headline GDP growth figure. Nakatakda namang ilabas ng PSA sa Biyernes ang GDP data para sa second quarter ng 2026. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles