BACOLOD CITY – Timbog ang isang high-value individual (HVI) matapos makumpiskahan ng mahigit dalawang kilo ng hinihinalang shabu sa anti-drug operation ng Philippine National Police (PNP) sa Bacolod City noong gabi ng July 5.
Ayon sa PNP, tinatayang nasa P14.11 million ang Standard Drug Price ng nasabat na hinihinalang shabu.
Kinilala lamang ang naarestong suspek sa alyas na “Waway,” 25-anyos, lalaki, at nakalista sa Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC) watchlist bilang HVI.
Isinagawa ang operasyon ng local anti-illegal drug operatives sa pamamagitan ng lehitimong police operation.
Sinabi ng PNP na ipinaalam sa suspek ang kanyang constitutional rights sa wikang naiintindihan niya.
Nai-record din ang buong procedure gamit ang body-worn cameras alinsunod sa umiiral na PNP policies.
Inimbentaryo ang mga nasabat na item sa presensya ng required witnesses. Isasailalim naman sa laboratory examination ang mga ito bilang bahagi ng nagpapatuloy na case build-up laban sa suspek. /Bistado


