Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Canadian na nasa Interpol Green Notice tiklo sa Laguna

LAGUNA. – Inaresto ng Philippine National Police (PNP) ang isang Canadian national na inuugnay sa mga kaso ng child sex abuse sa Thailand at Cambodia at subject ng Interpol Green Notice sa joint law enforcement operation sa Barangay Caingin, Sta. Rosa City, Laguna noong June 30.

Ayon sa PNP, pinangunahan ng Foreign Intelligence and Liaison Division (FILD) ng Intelligence Group ang operasyon, katuwang ang mga intelligence, investigative, immigration, at local government counterparts.

Ang naaresto ay isang retired teacher mula British Columbia, Canada.

Batay sa imbestigasyon, naging subject ng Interpol Green Notice ang foreign national matapos maiugnay sa ilang kaso ng sexual abuse of minors sa Thailand at Cambodia.

Lumitaw din sa records na na-convict siya sa Thailand noong 2007 dahil sa sexual abuse ng isang male minor.

Nakulong din umano siya sa Cambodia matapos sexually assaulting male teenagers aged 11 and 14.

Ayon pa sa mga awtoridad, dati na ring naharap sa kaso sa Pilipinas ang Canadian national.

Noong 2016, inaresto siya ng National Bureau of Investigation (NBI) dahil sa paglabag sa Republic Act No. 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.

Noong September 2022, muli siyang kinasuhan ng kaparehong offense matapos umanong sexually molesting a male minor sa Biñan, Laguna.

Sinabi ng PNP na bahagi ng operasyon ang mas mahigpit na law enforcement coordination laban sa foreign nationals na sangkot o inuugnay sa child exploitation at abuse cases. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles