Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Heart Evangelista-Raymond Gutierrez, bakit nga ba nag-un-follow-han?

Hindi na nga napigilan pa ng mga supporters nina Heart Evangelista at Raymond Gutierrez ang muli silang pag-usapan, ipagtanggol at pagkumparahin ngayong bistado na ang pag-un-follow-han nila sa kanilang mga socmed accounts.

Kamakailan lang sa gitna ng ‘delubyo sanhi ng habagat’ ay may socmed post nga si Raymond patungkol sa mga government officials na hanggang ngayon ay hindi pa napaparusahan sa isyu ng ‘flood control scandal.’

Nakatawag pansin sa netizen ang tila patama nito kay Heart na,  “While others are so focused on fashion and what’s on sale or not, this is the state of our country. We deserve better from our public servants & their families.”

Heart as main host sa GMA7 game show versus Raymond as BNC anchor… kuha sa IG

Ayon sa mga observers, muling nabuhay ang rift ng dalawa sa naunang post ng Gutierrez twin laban kay Heart na nagsasabing, “What a joy to have real friends! #CleanMoneyGirls.”

Bunsod iyan ng naging patama naman ng mga social media influencers na sina Mimiyuhh at Esnyr sa mga gaya diumano ni Heart na isang ‘nepo baby’ at may asawa pang Senador na may mga diumanoý  iskandalosong role at parte sa flood control scandal.

Sa ginawang pagtatanggol ng mga supporters ni Heart  (lalo na mula kay Resty Rosell na longitme personal assistant ng aktres-host) ukol sa “nepo baby at “clean money,”  maging si Heart ay nagbigay ng kanyang reaksyon.

Sa isang podcast interview ni Heart, may mga pinatamaan itong personalidad na kanya umanong kinaiiritahan ang pagiging sobrang éntilted at mayabang’ online lalo’t hindi naman daw nito inaalam ang buong kwento ng mga kinukuda sa socmed.

Halimbawa pa daw rito ang isyu tungkol sa pam-bu-bully sa kanya over wearing

‘a dress that was on sale.’

Kwento ni Heart, “One of them said ‘Oh, I love your dress, it’s on sale right?’ Tas nagtatawanan sila. Alam mo ‘yung parang, first and foremost, anong problema na sale? Bakit ano ba damit mo?”

Pero ang pinaka-kunek ng netizen sa mga kwento ni Heart laban kay Raymond Gutierrez ay yung tungkol daw sa tila pagiging “hanger o social climber” nito sa international fashion events kung saan rumarampa si Heart.

Ayon sa tsika ni Heart, mayroon siyang tinulungan na ‘fashion fan’ na nakikipag-rubbing elbows sa mga kilalang personalidad at maka-gain ng access sa mga international fashion events and the like.

Pero bigla na nga lang daw siyang hindi na nito kilala after nitong maka-gain ng áccess’ at may makilalang ibang fashion celebrities na nag-iimbita na rito sa mga international fashion events.

Hindi man pinangalanan ni Heart ang naturang personalidad, madali naman itong ini-assume ng mga observers bilang si Raymond Gutierrez umano.

Marami tuloy ang nag-recall na noong 2011 pa pala nagsimula ang ‘rift’ ng dalawa na nag-stem nga sa naging isyu noon ng mga respective mothers nilang sina Mam Cecilia Ongpauco at Annabelle Rama, na nooý tumatayong mga managers nila.

“Noon pa man ay nagtatarayan na sila sa mga television programs nilang “Party Pilipinas” and “Showbiz Central na parehong nsa GMA 7. Ngayon, 2026 na buhay pa rin ang tarayan nila. Baklang-bakla,” reaksyon pa ng mga kaswals sa socmed.

Napapanood si Heart sa GMA7 game show na ‘And The People Have Spoken’

habang si Gutiererz naman ay isa ng news anchor sa Bilyonaryo News Channel doing showbiz and fashion segments.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles