Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Ellen Adarna, nakisawsaw sa isyu kay Derek Ramsay?

Ellen Adarna is at it again.

Iyan ang reaksyon ng mga netizen na nagsasabing tila nakikisawsaw itong si Ellen sa kinahantungang isyu ng ex-husband nitong si Derek Ramsay, kaugnay ng naging problema nito sa LTO o Land Transportation Office.

Sa kanyang IG story post, tinuran ni Ellen na “Lack of due diligence? Poor discernment? Or just another excuse to blame someone else? Either way, its getting soooo soooooo old. Maybe accountability would be a refreshing change. 🐥”

Hindi man binanggit ni Ellen ang name ng ex-husband, nagkakaisa ang marami na si Derek nga ang pinatutungkulan nito lalo’t medyo matagal na ding hindi nag-po-post si Ellen sa kanyang IG story account.

Sey ng ilang casuals sa socmed, “knowing Ellen at sa nangyari sa kanila ni Derek, very obvious naman na patungkol sa ex niya ang kanyang patamang kuda. Kaloka lang ang datingan kasi halatang sumasawsaw di ba?”

“Gets, tinarantado siya ni Derek, fine. But I don’t get it why she had to relate the car issue pa with their past relationship and tag their mutual friends on her IG story, even Derek’s son? Hmmm. Ok nakikibasa lang nga pala ako,”reaksyon pa ng iba.

Sa naging sigalot nina Derek at Ellen, matatandaang may mga ilang ‘ex gf’s’ si Derek na tila nakipag-bolt in kay Ellen sa mga kuda nito against the actor, lalo na sa usaping “blaming others sa mga pagkukulang at pagkakamali nito.”

Sa latest update na nakuha ng BISTADO tungkol sa isyu ni Derek at kaibigan nitong si Anthony Violago sa LTO, anytime this week daw ay lalabas na ang ‘findings’ ng naging imbestigasyon ng naturang ahensya sa kaso ng supercar Porsche 918 Spyder.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles