Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Obiena, 6th place sa Lausanne Diamond League

Nagtapos sa ikaanim na pwesto ang Filipino pole vaulter na si Ernest John “EJ” sa Wanda Diamond League sa Lausanne, Switzerland matapos malampasan ang 5.81 metro sa ikalawang pagtatangka.

Sinubukan ni Obiena na itaas pa ito sa 5.91m ngunit nabigo sya sa lahat ng tatlong pagtatangka.

“5.81m here in Lausanne. We go again in Silesia on Sunday,” ayon sa Facebook post nitong Hwebes ni Obiena, tungkol sa Silesia Diamond League (Kamila Skolimowska Memorial) sa Chorzów, Poland simula sa araw na ito.

Kasama ang torneo sa paghahanda ni Obiena, edad 30, para ipagtanggol ang korona sa 20th Asian Games na magsisimula sa Nagoya, Japan sa Setyembre 19.

Pinangunahan ni world No. 1 Mondo Duplantis ng Sweden ang kompetisyon matapos malampasan ang makasaysayang 6.21m at malampasan ang sarili niyang meet record na 6.15m.

Itinulak ni Greece’s Emmanouil Karalis si Duplantis matapos malampasan ang 6.16 metro, ang ikalawang pinakamagandang marka ng kanyang career at ngayon ay ikalawa sa world all-time list sa likod ni Duplantis.

Sina Obiena at Karalis ay magkasama ng training camp sa Greece.

Nito lamang Martes, muling nagdala ng karangalan sa Pilipinas ang world No. 12 matapos lumundag ng 5.91m at makuha ang gintong medalya sa Golden Sand Competition sa Miedzyzdroje, Poland.

Iyon ang kanyang ikawalong ginto ngayong taon.

“I’m tired but I feel really good, I feel really happy,” ani Duplantis. “That was such an amazing competition, everybody jumped so well, so I felt like I really had to step it up. I’m glad I jumped really well.”

Matapos ang huling bigong pagtatangka ni Karalis sa 6.26m, tila una nang tinanggihan ni Duplantis ang pagkakataong pagandahin sa ika-16 na pagkakataon ang sarili niyang world record bago nagbago ng isip.

Nakatayo ito ngayon sa 6.31m ngunit kapwa nabigo ang kanyang dalawang pagtatangka sa 6.32m.

“That’s competition, that’s what we live for,” ani Duplantis. “I love to compete, I love competing against Manolo, especially when he is on his A-game like this. I just like to jump high. That’s what I feel like I was made to do.”

Matapos manalo ng European silver nang malampasan niya ang 6.00m, sinabi ng 26-anyos na Greek na pinapangarap na niyang malampasan ang 6.20m.

Pumangatlo si Kurtis Marschall ng Australia sa talon na 5.91m.

Tabla sila nina Sondre Guttormsen ng Norway at Christopher Nilsen ng Ameriak ngunit mas kaunti ang mga failed attempt ng Australyano.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles