Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Halagang P16.1M smuggled cigarettes, nasabat sa Lanao del Sur

Nabigo ang umano’y tangkang smuggling matapos makarekober ang Philippine National Police (PNP) ng tinatayang P16.1 milyong halaga ng sigarilyo mula sa tatlong abandonadong truck sa Malabang, Lanao del Sur.

Ayon sa ulat, nadiskubre ang mga sasakyan madaling araw ng April 21, matapos makatanggap ng impormasyon mula sa isang concerned citizen ang Malabang Municipal Police Station.

Bandang 4:50 ng umaga, agad na rumesponde ang mga pulis kasama ang mga supporting units at nagtungo sa isang bakanteng lote sa Brgy. BPS Village.

Pagdating sa lugar, naabutan ng mga awtoridad ang tatlong truck na iniwan at walang kaukulang dokumento. Sa isinagawang inspeksyon, napag-alamang ang mga sasakyan ay may kargang niyog ngunit may nakatagong daan-daang kahon ng sigarilyo na pinaniniwalaang ipinasok sa lugar nang ilegal.

Sa kabuuan, 403 master cases ng sigarilyo ang narekober mula sa lugar. Ang mga ito ay kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya para sa tamang dokumentasyon at ihahanda para sa turnover sa Bureau of Customs.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad para matukoy ang mga indibidwal na sangkot sa nasabing shipment. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles