Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Binata, nasagip matapos tangkang tumalon sa tulay sa Isabela

Nasagip ng mga pulis ang isang 22-anyos na lalaki matapos itong tangkang tumalon mula sa Ganano Bridge sa Brgy. San Antonio, Alicia, Isabela.

Ayon sa ulat, mabilis na kumilos ang Alicia Municipal Police Station (MPS) matapos makatanggap ng tawag mula sa isang concerned citizen na humingi ng tulong sa PNP hotline nang mapansin ang mapanganib na sitwasyon.

Ilang minuto matapos ang tawag, agad na rumesponde ang mga pulis at nagtungo sa lugar kung saan naabutan nila ang binata na nasa delikadong kalagayan sa tulay.

Dahil sa kritikal na sitwasyon, nakipag-ugnayan ang Alicia MPS sa Bureau of Fire Protection at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) para sa agarang rescue response.

Sa maingat na paglapit ng isang pulis na nakatalaga sa lugar, kinausap ang binata hanggang sa makumbinsi itong bumaba at sumama sa mga responder.

Nailigtas ang kanyang buhay at agad siyang inasikaso para sa kaukulang pag-aaruga.

Ayon kay PNP Chief Police General Jose Melencio C. Nartatez Jr., mahalaga ang presensya ng pulisya sa ganitong mga sitwasyon.

“Isang buhay na naisalba ay isang paalala na ang presensya ng pulis ay dapat laging ramdam—handang tumulong, handang umalalay, at handang magligtas,” ani PGen Nartatez.

Patuloy ang paalala ng pulisya sa publiko na agad makipag-ugnayan sa mga awtoridad sa oras ng emergency para maiwasan ang mas malalang insidente. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles