Opisyal na inilunsad kamakailan ng Philippine Football Federation (PFF), kasama ang world federation FIFA at Puerto Princesa Football Association (PPFA), ang ikalawang FIFA Arena sa Pilipinas sa Ramon V. Mitra Sports Complex sa Barangay Sta. Monica sa capital city ng Palawan.
Isa itong mahalagang hakbang para sa pagpapaunlad ng grassroots football sa Palawan.
Ang FIFA Arena ay isang all-weather quarter pitch na may artificial turf, na sadyang itinayo para sa small-sided football para sa mga bata at teenager.
Ito ay ligtas, madaling puntahan at angkop na lugar lalo na para sa mga batang nasa elementarya at junior high school.
Ito ang ikalawang FIFA Arena na itinayo sa bansa ngayong taon, kasunod ng unang binuksan sa Balanga, Bataan noong Enero 21.
Bukod sa inagurasyon ng pitch, minarkahan din ng event ang dalawa pang kauna-unahan para sa Pilipinas: ang FIFA Boots for All Program, kung saan namahagi ang FIFA at PFF ng 500 pares ng football boots sa mga batang manlalaro sa Palawan, at isang FIFA Medical Session for Children na nakatuon sa health education at emergency response.
“It was about more than just simply opening a football pitch in a beautiful city. We are bringing together opportunity, access, health, and the protection of our children—all through football,” ani PFF president John Anthony Gutierrez.
“Through the FIFA Arena, we provide a safe, accessible and all-weather space where children can play. This is a gamechanger for Philippine football.”
Binigyang-diin din ni Gutierrez ang kahalagahan ng Boots for All at Medical programs na unang inilunsad sa Pilipinas.
“We know that for many children, having proper football boots can be a barrier to playing the game. Through this program, we can help remove that barrier, ” ani Gutierrez.
“This pitch is yours. Play here. Learn here. Make friends here. Challenge yourself. And perhaps one day, from this very pitch in Palawan, we will see a young player take the next step — from grassroots football, to representing Palawan, to representing the Philippines, and maybe even playing on the biggest stages in the world.”
Pinuri ni FIFA Council Member at dating PFF president Mariano Araneta Jr. ang pagtutulungan ng FIFA, PFF, mga ahensya ng gobyerno at lokal na komunidad.
“Football development begins at the grassroots—with a child, a ball, and a place to play,” ani Araneta.
Sinabi ni FIFA Regional Lead at Development Manager for East and Southeast Asia Lavin Vignesh na bahagi ang arena ng mas malawak na pagsisikap ng FIFA na magtayo ng mas maraming pitch sa buong bansa.
Dagdag niya, ang tunay na tampok ng araw ay ang makita ang mga bata na masaya sa bagong pitch at mga pares ng sapatos.
Ipinaliwanag naman ni FIFA Arena project consultant Amlan Kamal na ang Arena, Boots for All, at Football for Schools programs ay nagtutulungan upang bumuo ang “holistic ecosystem around football.”
Ibinahagi ni FIFA Senior Health and Medical Projects manager Khloud Sebak na minarkahan ng Puerto Princesa ang unang pagkakataon na ipinakilala ang global health promotion content ng FIFA Medical sa isang host country.
“This is the start of the journey to develop more young players, our grassroots for Palawan,” ani PPFA president Dio Paolo de Guzman.
Plano ng PPFA ang libreng training tuwing Sabado na bukas para sa mga bata mula sa buong lalawigan sa ilalim ng mga licensed coach.
Ang Puerto Princesa FIFA Arena ay bahagi ng nagpapatuloy na pambansang pagsisikap upang palawakin ang access sa de-kalidad na football pitches sa Pilipinas.
Mula nang simulan ang inisyatiba ngayong taon, nag-inagura na rin ng mga de-kalidad na pitch sa Tagum City, Davao del Norte, katuwang ang Asian Football Federation, at sa Leganes, Iloilo, katuwang ang Filinvest Land Corporation.
Samantala, isinasagawa na ang konstruksyon ng mga bagong full-sized pitch sa Naga City, Camarines Sur at Baguio City sa pakikipagtulungan sa Philippine Sports Commission.


