Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

GMA anchors and hosts, unang sasabak sa “The People Have Spoken;”Bagong “The Clash Panel”, may rebelasyon kay Tito Boy

 

Magsisimula na sa Sabado (June 6) ang pinakabagong game show na puno ng opinyon at papremyo, ang “The People Have Spoken.”
 
Hosted by Heart Evangelista at Sean Lucas, mapapanood sa pilot episode ang duo nina Susan Enriquez at Suzi Entrata-Abrera vs. Mariz Umali at Lyn Ching. Sa loob ng ilang rounds, may ipakikitang survey questions na sinagutan ng 100 studio audience members. Kailangan lang mapulsuhan ng celebrity players kung alin sa mga sagot o opinyon ang pinakalamang para sa “People.”
 
Makakasama rin every week ang iba’t ibang CelebriPeeps na magbibigay ng pananaw para tulungan ang celebrity pairs na manghula. At for the pilot episode, present ang social media personalities na sina Baus Rufo at Joy Barcoma.

Ang mananalong pares ay mag-uuwi ng ₱200,000 habang ₱30,000 naman ang consolation prize. May tatlong home viewers din na puwedeng manalo ng ₱5,000 each sa People Panalo Promo. Kaya naman tutok lang kung saan panalo ang POV ng mga tao, “The People Have Spoken” tuwing Sabado, 6:15 p.m. sa GMA Network, Kapuso Stream, at YouLOL YouTube channel.
 
Sasalang naman ngayong Thursday, June 4 sa “Fast Talk with Boy Abunda” ang bagong set ng judges ng “The Clash Teens.”
 
Ibabahagi nina Christian Bautista, BGYO JL, at Jillian Ward ang kanilang experience so far sa paghahanap ng pambihirang talent mula sa bagong henerasyon ng Clashers. Ano nga ba ang qualities na hinahanap ng Clash Panel sa Teen Clashers? Samantala, ano rin kaya ang sey nina Jillian at JL sa pagiging bagong judge ng singing reality competition?
 
Abangan ang kanilang mga rebelasyon with the King of Talk Boy Abunda at laging tumutok sa “Fast Talk with Boy Abunda” mula Lunes hanggang Biyernes tuwing 4:45 p.m. sa GMA Network.

Samantala, huwag din palampasin ang world premiere ng “The Clash Teens” this Sunday (June 7), 7:15 p.m. sa GMA-7.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles