Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Janine Gutierrez, ganap ng Star Magic artist

Naging emosyonal si Janine Gutierrez nang pumirma siya ng exclusive contract bilang Star Magic artist last June 2, 2026.

Marami nang ginawa at nilabasang shows sa ABS-CBN si Janine since lumipat siya dito mula sa GMA7, pero ngayon lang siya naging exclusive artist ng Star Magic.

Dati siyang mina-manage ng yumaong si Leo Dominguez ng LVD Artist Management kasama din dati sina Paulo Avelino, Lovi Poe, Ogie Alcasid at iba pang artists.

Para kay Janine ang pagpirma niya sa Star Magic ang “natural next step following her renewed commitment to ABS-CBN.”

“With this new network contract, I think perfect time and perfect opportunity na sumali na rin sa Star Magic family para talagang ma-guide ako sa next steps sa aking career and sa mga upcoming projects,” saad pa ng magandang aktres.

Paliwanag pa nito,  “of course, alam ko kung gano’ng kagaling ang Star Magic talaga in taking care of their artists and teaching them and guiding them to new opportunities,” she said. “I’ve always felt the warmth of the Star Magic family even before ako maging Star Magic artist.”

Isa sa mga unang gagawin ni Janine ang ‘Loyalty Game” series na pagsasamahan nila ng kanyang real-life boyfriend an si Jericho Rosales.

Sinurpresa nga siya ni Echo sa naturang contract signing at binigyan ng bouquet of flowers at hinalikan at binigyan ng “i love you” sa harap ng mga kaibigang media representatives at mga executives ng ABS-CBN sa pamumuno ni Carlo Katigbak, Cory Vidanes at direk Laurenti Dyogi.

Subalit naging emosyonal si Janine nang may makita silang dalawang malalaking “mariposa” (paru-paro) na nakadapo sa isang bahagi ng function room.

Ayon sa mga tsika, sa simula pa lang daw ng seremonya ay nandun na ang dalawang malaking paru-paro at hindi ito umalis hanggang sa matapos ang contract signing ng aktres.

Sinabi ng lahat na posibleng sinamahan din si Janine ng kanyang mga mahal na lola sa seremonya.

“Nakaka-iyak. Nakakapangilabot, pero posibleng ang mga lola niyang sina Pilita Corrales at Nora Aunor siguro yung mga yun,” sey ng mga kaibigan sa media na nakasaksi din.

Mayroon ding special video greetings na inihandog ang pamilya ni Janine sa pangunguna ng nanay nitong si Lotlot de leon at tatay nitong si Ramon Christopher at ilan pang mga mahal ng aktres.

Kinantahan din siya ng “live” ng kapatid niyang si Diego Gutierrez na hopefully daw ay makatrabaho din ni Janine sa mga susunod na panahon.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles