Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Direk Johnny Manahan, hindi totoong nag-resign na sa TV5

“Not true at all. Fake news iyan,” ang tugon ng BISTADO source mula sa Kapatid network TV5 hinggil sa kumalat na balitang diumano’y lalayas na naman daw uli sa TV5 si direk Johnny Manahan aka Mr. M?

Nitong nakaraang weekend ay lumabas ang tsikang magpapaalam na naman daw muli sa Kapatid network ang kilalang star builder dahil sa kumalat ngang balita na muling nagkasundo ang ABS CBN at TV5 sa pagkakaroon uli nila ng ‘collaboration.’

May nagpakalat pa nga ng tsikang malaki ang kinalaman diumano ni Coco Martin (na inintrodyus daw ni Willie Revillame sa mga top bosses ng TV5 dati) dahil sa pagbabalik serye nito. Noon daw kasing napapanood din sa TV5 ang ‘Batang Quiapo’ ay walang maka-alagwang shows na katapat  nito. 

At dahil magbabalik nga ang SIGABO, kasama na ang iba pang Kapamilya shows, tila nagkasundo diumano ang parehong ABS-CBN at TV5 na magkaroon ng timeslot para sa mga respective shows nila na DAPAT ay mapanood sa parehong platforms.

At dahil may kung anong “unresolved issue” diumano si Mr. M sa ABS-CBN, tila hindi umano ito nagustuhan ng mga nakapaligid sa kanya, kaya mya tsikang “aalis” itong muli.

Subalit ayon nga sa impormante ng BISTADO na may mataas na katungkulan sa TV5, wala itong katotohanan.

“He is still the man, our man behind STARWORX. Busy sila sa mga training, workshops at iba pang programa to honing the skills, talents and just everything else our artists need. No way na aalis siya o aalisin namin siya,” tsika ng nasabing source.

Ang tila may katotohanang balita umano ay hindi na si direk Johnny ang nasa likod ng musical variety show na VIBE ng TV5 as its director, na napapanood ng LIVE tuwing Sabado ng gabi at mya replay kapag Linggo ng tanghali.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles