Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Ginebra, TNT magsasagupa sa Game 3 ng PBA Commissioner’s Cup finals

Inaasahang dudumugin ang Mall of Asia Arena sa Pasay City ngayong Linggo para sa Game 3 ng PBA Season 50 Commissioner’s Cup finals.

Tabla ang defending champion TNT Tropang 5G at Barangay Ginebra Gin Kings sa best-of-seven serye.

Unang nakapuntos ang Ginebra noong Miyerkules, 102-100, sa pamamagitan ng game-winning shot ni Justin Brownlee.

Gumanti naman ang TNT noong Biyernes, 101-94, sa likod ng season-high na 31 puntos ni Calvin Oftana.

Ang parehong laro sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City ay dinagsa ng mahigit 11,000 fans.

Napatahimik ng koponan ni coach Chot Reyes ang mga tagasuporta ng Ginebra sa loob ng tatlong quarter sa pamamagitan ng kanilang mainit na panimula at masikip na depensa sa Game 2.

Ngunit nabuhay ang mga diehard fans ng Ginebra nang magsagawa ang tropa ni coach Tim Cone, sa pangunguna ni  Brownlee, ng huling pagsalakay na nagpababa sa dating 22-puntos na agwat hanggang apat na lamang, Segundo na lamang ang nalalabi.

Gayunpaman, nanatiling matatag ang Tropang 5G at nakaligtas sa Ginebra.

Hindi nagustuhan ni Cone ang naging takbo ng Game 2. Binatikos niya ang apat na opisyal ng laro matapos makapagtala ang TNT ng 22-of-25 mula sa free throw line kumpara sa 9-of-10 ng Ginebra.

Natawagan din ng 24 fouls ang Gin Kings laban sa 16 ng TNT.

 “We didn’t get a break from the referees. I usually don’t complain, but tonight (Friday), I felt the crew was not a good crew,” ani Cone.

“Justin had four free throws. He took only three threes, stayed around the basket all night, but he wasn’t getting the call.”

Gayunman, inako pa rin ni Cone ang mabagal na simula ng Ginebra.

“That came down to the fact that we just didn’t show up. Three assists in the first, zero in the second. That’s not just us,” paliwanag nya.

Ngayong Game 3 simula 7:30 p.m., wala sa dalawang koponan ang umaasang magiging madali ang laban.

Para sa TNT, mahalagang mapanatili ang agresibong laro at mahusay na rebounding.

Para naman sa Ginebra, kailangan nilang makapagsimula nang malakas.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles