Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Ginebra, Rain Or Shine nakalusot

Binuhat nina RJ Abarrientos at import na si Riley Grigsby upang talunin ang Meralco, 84-75, sa PBA Season 50 Governors’ Cup Group B eliminations na ginanap sa Mall of Asia Arena sa Pasay City nitong Biyernes.

Sa kabila ng kapwa pagharap sa mga injury, mas naging matatag ang Ginebra upang umangat sa 2-2 kartada at pumwesto sa ikatlo, kasunod ng Phoenix (4-1) at Rain Or Shine (3-2).

Bumagsak naman ang Meralco sa tabla para sa ikaapat na puwesto kasama ang Blackwater, kapwa may 2-3 rekord.

Pinatunayan ni Adrian Nocum na karapat-dapat siya sa tiwala ni coach Yeng Guiao matapos ma-ipasok ang game-winning drive para sa 98-97 pagtakas ng Rain Or Shine laban sa Magnolia sa unang laro.

Matapos mag-average ng 11 puntos lamang kada laro bago ang laban, sumabog si Abarrientos sa season-high na 27 puntos, kabilang ang 3-of-5 sa three-point area, bukod pa sa tatlong rebounds at tatlong assists.

Karamihan sa kanyang puntos ay naitala niya sa first half, kung saan umiskor siya ng 19 puntos upang tulungan ang Ginebra na makabuo ng 44-29 kalamangan sa halftime.

Mahalaga rin ang naging ambag ni Grigsby, na pumalit sa nasaktang si Justin Brownlee, matapos magtala ng 25 puntos, siyam na rebounds, tatlong assists at isang steal.

Wala rin sa lineup ng Ginebra si Scottie Thompson dahil sa injury.

“Malaking pieces ang nawala sa amin. Mahirap i-fill up ‘yung kawalan nila. Pero buo pa rin naman kami, basta kung sino ang ipasok kailangan mag-step up (We lost big pieces. It’s hard to fill up their void. But we’re still whole and whoever is fielded in steps up),” ani Abarrientos.

Garahe muna sa Meralco ang apat nilang rotation players — sina CJ Cansino (hip), Bong Quinto (vertigo), Jason Brickman (flu), at Raymond Almazan (back).

Pinangunahan ang Bolts nina Antonio Hester na may 24 puntos at Chris Banchero na may 15, ngunit hindi na sila muling nakalapit matapos mahuli ng hanggang 18 puntos.

“Sticking their nose into it, grinding it out,” coach Tim Cone said. “Not pretty games by any means. Hopefully, we will be more pleasing to the eyes as we progress.”

Makakaharap ng Gin Kings ang Magnolia Hotshots sa isang “Manila Clasico” sa Linggo.

“It’s an ugly win but we take it. We had to defend as best we can, grind it out. That’s what we did today — really grind it out. We had to rely on our best players to create, and they did, enough to create points tonight,” Cone said.

“Nagtitiwala naman kami dun sa diskarte niya. So kung mai-dra-drive niya, mayroon siyang tira, desisyon niya iyon (We trusted his plans. If he can drive, if he has the shot, it was his decision),” Guiao said of his directive to Nocum.

Nagtala si Nocum ng bagong career-high na 31 puntos habang pinangunahan ang Elasto Painters sa kanilang ikatlong sunod na panalo.

Nalampasan ng Rain Or Shine ang maagang 12-puntos na pagkakalubog, walong pagkakataong nagtabla ang iskor, siyam na pagpapalitan ng kalamangan, at ang limitadong produksyon ng import na si Aaron Fuller na nagtapos lamang sa 14 puntos.

Nakapagtala rin ang E-Painters ng 11 lamang na three-pointers mula sa 39 na tira, habang nakagawa ng 17 turnovers.

Nagposte si Buffen ng 31 puntos, 17 rebounds at limang assists para sa Hotshots, habang sina Zavier Lucero, Ian Sangalang, Paul Lee at Mark Barroca ay nagtala ng tig-11 puntos o higit pa.

Matapos hindi maka-iskor sa unang kalahati ng laro, naipasok ni Sangalang ang kanyang ika-14 na puntos sa nalalabing 24.8 segundo upang maibigay sa Magnolia ang huli nitong kalamangan sa iskor, 97-96, bago napasok ni Nocum ang game-winning basket.

The scores:

First Game

RAIN OR SHINE 98 – Nocum 31, Cuajao 15, Fuller 14, Villegas 12, Manaytay 6, Tiongson 6, Clarito 5, Caracut 5, David 3, Asistio 1, Malonzo 0.

MAGNOLIA 97 – Buffen 31, Lucero 15, Sangalang 14, Lee 13, Barroca 11, Lastimosa 9, Jopia 4, Dela Rosa 0, Alfaro 0, Verano 0, Andrada 0, Gomez de Liano 0.

Quarters: 20-29; 56-all; 81-all; 98-97

Second Game

GINEBRA 84 – Abarrientos 27, Grigsby 25, Holt 8, J. Aguilar 7, Rosario 7, Go 5, Cu 3, Gray 2, Abis 0, Pinto 0, Carino 0, Torres 0.

MERALCO 75 – Hester 24, Banchero 15, Bates 8, Mocon 8, Newsome 7, Maliksi 6, Hodge 4, Rios 3, Comia 0, Caram 0, Black 0.

Quarters: 18-10; 44-29; 65-50; 84-75

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles