Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Fyang Smith-JM Ibarra, pinahanga si direk Dan Villegas

Inamin ng kilalang filmmaker na si direk Direk Dan Villegas na napahanga at tila na-inspire pa siya nina JM Ibarra at Fyang Smith kaya siya gumawa ng istorya para sa dalawa. 

Napaka-natural at totoo daw kasi ang turingan ng dalawang dating PBB housemates na mas kikala sa mga supporters nila bilang JMFyang. No filter ika nga.

At habang shinu-shooting nila ang “Almost Us” ay doon na-validate ni Direk Dan na hindi siya nagkamali sa JMFyang.  Galing na galing ang direktor sa pinakitang husay nina JM at Fyang. 

Unang napansin ni Direk Dan ang husay ni JM nang mapanood niya ang Cinemalaya 2025 entry nito na “Child No. 82: Anak Ni Boy Kana” at muli siyang nagalingan dito pati na rin kay Fyang sa “Shake, Rattle & Roll: Evil Origins” last MMFF.  

Sa grand mediacon ng “Almost Us” nitong Linggo ay puro papuri sa on and off camera actions ng mga batang artista ang binulalas ng writer-director.

Actually, para din sa iba pang member of the nedia na nandun kasama ba ang BISTADO, ay kitang-kita sa full trailer ng movie kung gaano kahusay at ka-natural ang dalawa.

Ang producer ngang si Roselle Monteverde ng Regal Entertainment ay hindi napigilang humanga kay Fyang nang mapanood niya ang “Almost Us”.  

Ayon pa dito ay parang si Maricel Soriano nga raw ang nakikita niya sa balingkinitang batang aktres. Yung tipong parehong nag-e-excel umano sa drama at comedy. Wala naman siyang mapagkumparahan sa galing ni JM.  

Ipapalabas na ang pagbabalik rom-com ni Direk Dan dito sa “Almost Us” on May 6 in cinemas nationwide.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles