Kung karamihan sa mga celebrity at mga kababayan natin ay nakatutok sa debut performance ng BINI sa Coachella Music Festival, tila mas tinutukan naman ni Leon Barretto ang debut performance ng KATSEYE.
Sa mga socmed chats na may kaugnayan sa pinag-uusapang music event, kumpirmadong super close friend ni Leon at mukhang nali-link sa kanya romantically si Sophia Laforteza, ang sikat na lider ng grupo.
Pinag-uusapan nga sa socmed ang pag-flex ng brother ni Julia Barretto ng live video na kuha nito sa Sahara Stage ng Coachella.
Siyempre nagdulot ito kilig-kiligan sa mga fans lalo na sa mga nakakakilala kay Sophia.
Napaka-kaswal pa ng caption na ginamit ni Leon sa Instagram post niya para kay Sophia na “I am incredibly proud of you. Getting to witness this live is the greatest blessing i could ever ask for.”
Although walang kumpirmadong naisagot si Sophia, assuming ang mga fans at netizens na mukhang nagha-hard launch na raw sina Leon at Sophia kaya ganon na lamang ang pagka-proud ng binata sa leader ng KATSEYE. So ang tanong ng mga ka-Bistado, sila na nga ba talaga o mag-BFF lang sila?


