May isang nepo baby ng isang tanyag na law firm ang pinagpipiyestahan ngayon ng mga kabisto matapos mag-share ng kanyang latest first-world problem.
May European trip daw kasi ang law firm ni daddy. Ang problema, may protocol ang firm: associates fly economy sa long-haul flights.
Aba, umatras si bagets!
Paliwanag daw niya, never pa siyang nag-economy, long-haul man o short flight. At bilang ballet dancer, kailangan daw niyang nakaka-stretch at nakakataas ng legs dahil may history siya ng hip at lower-back injuries.
Valid concern ang physical pain, siyempre. Pero ang kinagulat ng mga kabisto, kailangan pa bang i-broadcast na never in your life kang sumakay sa economy?
Ay, sana all ang problema ay legroom!
Hindi rin daw ito ang unang pagkakataong napansin ang pagka-alta ni nepo baby. May lumang chika mula umano sa school days niya na minsang may pilgrimage ang klase. Habang magkakasama raw sa bus ang classmates, ibang sasakyan ang bet ni bagets. Nang tanungin kung bakit, ang dating umano ng sagot niya: hindi niya feel ang crowd.
May isa pang viral na kwento tungkol sa kanyang matinding disgusto sa mga taong gumagamit ng public restroom para sa, ehem, Number 2.
Kaya naman sabi ng mga kabisto, hindi na raw simpleng rich-kid problems ang entertainment value. Ang tanong nila: gaano kalayo sa buhay ng ordinaryong tao ang mundong kinalakihan ni koya?
Clue? Ang daddy niya ay isang bigating abogado na ang apelyido ay parang kabaligtaran ng mortal.
Si bagets naman, lawyer by profession, ballet dancer by passion, at apparently, business class by constitution.
Yun na. Bistado!


