Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Eala vs Svitolina sa DC Open quarterfinals

Makakaharap ni Alexandra Eala si No. 2 seed Elina Svitolina ng Ukraine sa quarterfinals ng Mubadala (Washington) DC Open sa Sabado (oras sa Pilipinas).

Unang tinalo ni Eala si 2024 Paris Olympics gold medalist Zheng Qinwen ng China, 4-6, 6-4, 6-1, sa round of 32.

Isinunod niya si defending champion Leylah Fernandez ng Canada, 6-2, 7-6(1), kung saan humabol sya mula sa 1-5 sa second set at pinwersa ang tiebreak.

Matatandaan na pinaluhod din ni Eala ang defending champion ng Wimbledon na si Iga Swiatek ng Poland sa third round, wala pang isang buwan ang nakakaraan.

Nakabawi na si Eala sa 6-1, 6-4 panalo ni Fernandez sa kanya sa first round ng Stuttgart clay noong Abril.

Ang ina ni Fernandez ay Pilipina.

“I know that she was playing a little better, and maybe my level dropped a little bit,” reaksyon ni world No. 28 Eala tungkol sa paghabol nya sa second set.

“Those are very tricky moments, when you know your level has dropped and you want to do better, but things for one reason or another just aren’t coming out. I think patience was key there, just trying to work it out, and a strong mentality in terms of trying to find solutions.”

Si Fernandez ay may 14 unforced errors sa loob ng walong laro sa unang set. Nag-double fault sya kaya na-break ang kanyang serbisyo para sa 2-0 abante ni Eala.

Sa ikalawang set, bumawi ang Canadian ng limang sunod na puntos at mistulang aabot sa third set ang laban.

Gayunpaman, hindi nakarating si Fernandez sa set point. Nasayang ang pagkakataon niyang umabante sa 15-30 habang nagseserbisyo si Eala sa 5-1 nang muling pumalya ang kanyang groundstrokes.

Sinundan pa ito ng sunod-sunod na unforced errors at nabigo siyang tapusin ang set sa sarili niyang serbisyo sa 5-2.

Nang maramdaman ang pagkakataon, umatake si Eala hanggang tumabla sa 5-5.

Tinalo ni world No. 10 Svitolina si Polina Kudermetov ng Uzbekistan, na isang qualifier, 7-6(4), 6-4. 

Sinibak ni Eala si Svitolina sa quarterfinals din ng Berlin Open sa Germany, 6-3, 6-4, noong Hunyo 20.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles