Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Pinas sumungkit agad ng ginto sa Aerobic Gymnastics Asian C’ships sa Tagaytay

Dalawang pares ng mga baguhang atleta mula sa Pilipinas ang nag-uwi ng ginto at tansong medalya sa youth mixed pairs event ng 10th Aerobic Gymnastics Asian Championships nitong Hwebes sa Tagaytay CT Velodrome sa Tagaytay City.

Mula sa pagiging standout ng 2026 Palarong Pambansa sa Prosperidad, Agusan del Sur, nagpakitang gilas sa harap ng mga kalaban sa Asya sina Rhimel Daniel Cabides at Antonette Amante upang makuha ang gintong medalya sa iskor na 17.80 puntos.

Nag-ambag naman ng ikalawang medalya para sa bansa sina Rhys Enoch Balmayor at John Mikaela Ladaran, mga tubong-General Santos City, matapos makuha ang ikatlong pwesto (17.150).

Sinulit ng dalawang pares ang kanilang unang pagsabak sa internasyonal na kompetisyon na inorganisa ng Gymnastics Association of the Philippines (GAP) at pinagtibay ng Asian Gymnastics Union.

“Napatunayan namin maari kaming makapasabayan internationally,” ani Amante, na may tatlong ginto na sa Palaro.

Kapwa sila 14 anyos ni Cabides at Grade 8 sa Teodoro Alonzo High School sa Maynila. 

“Maganda na mapakinggan ‘yung national anthem ng Pilipinas,” dagdag ni Amante.

“This is all too surreal. We really did not expect it. It was only a dream ,” ani Ladaran, edad 11.

“I am very proud of both pairs. Naging mahirap din ‘yung journey ng mga bata and their training so I am very happy with the result,” ani coach Carlo Joshua Tangonan na dati rin national athlete.

Bilang unang pares na sumalang sa anim na finalist, nagtakda ng pamantayan sina Cabides at Amante sa pamamagitan ng kanilang kahanga-hangang iskor na 17.80 puntos, batay sa pinagsama-samang marka para sa antas ng kahirapan (difficulty), husay sa pagsasagawa (execution) at sining (artistry).

Ang pinakamalapit na nakapantay sa kanilang iskor ay ang tambalang Vietnamese nina Ann Thinh Tran at Ngoc Gia Ngueyen, na nakakuha rin ng 17.80 puntos. Gayunpaman, napunta sa kanila ang pilak dahil sa marka sa execution — 7.450 kumpara sa 7.50 ng pares mula sa Pilipinas.

Nang tuluyang lumabas sa malaking screen ang pinal na resulta na nagpapakitang nakuha ng Pinoy pair ang inaasam na gintong medalya, naghiyawan ang mga tao sa arena habang napaluha naman sa tuwa sina Cabides at Amante.

“We would like to thank the GAP for the oppotunity it gave our junior athletes to show their mettle against top caliber gymnasts from Asia,” dagdag ni Tangonan, na naging bronze medalist sa mixed pair event, kasama si Charmaine Dolar, sa 32nd Cambodia Southeast Asian Games noong 2023.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles