Inagaw ng rookie na si Geo Chiu ang atensyon matapos magtala ng career-high na 19 puntos at 23 rebounds sa panalo ng Terrafirma kontra sa walang import na Titan, 113-100, sa pagsisimula ng PBA Season 50 Governors’ Cup sa Ynares Center sa Antipolo nitong Biyernes.
Nagtala ang import na si Justin Strings ng 25 puntos at 16 rebounds, samantalang nag-ambag sina JM Bravo, Didat Hanapi, ang nagbabalik na si Juami Tiongson, at Maverick Ahanmisi ng tig-11 puntos o higit pa.
Nakatakda sanang maglaro si James Edward Milton para sa Titan, kapalit ng orihinal na napiling import na si Tirrell Brown, ngunit hindi ito nabigyan agad ng clearance sa tamang oras ng pandaigdigang pederasyon ng basketbol na FIBA.
Isa ito sa mga dahilan kung bakit hindi lubos na nasiyahan si Terrafirma coach Ronald Tubid.
Nabawi ng Giant Risers ang maagang 7-17 na pagkakaiwan, nakakuha pa ng 37-33 na kalamangan at dikit pa ang laban sa iskor na 89-87 pabor sa Terrafirma, bago tuluyang bumigay sa mas balanseng opensa ng Dyip.
“We’re trying to adjust pa kasi we have two new players. Inaano pa namin si (We’re trying for) Juami and Chris (Miller) para maka-adjust sa (to adjust with the) team,” ani Tubid.
Nakuha sina Tiongson at Miller sa isang trade sa San Miguel Beer, kapalit nina Jerrick Ahanmisi at Paolo Hernandez.
“Us coaches medyo nakulangan kami kasi kumbaga may opportunity na, walang import, so kailangan laro hindi dapat ganoon. So back to zero ulit, tingnan namin ‘yung video kung ano mali, then kailangan naming i-correct (saw things lacking. So we go back to zero, review the video and correct out mistakes),” ani Tubid.
Dahil sa kakulangan ng matatag na sentro, nalamangan nang husto ang Titan sa rebounding, 94-52, na sinamantala ng Terrafirma upang mangibabaw ng 34 puntos sa puntos sa loob ng pintura at 19 puntos sa second chance points.
Mula sa bangko, umiskor si Aris Dionisio ng lahat ng kanyang 21 puntos sa ikalawang kalahati, habang nakakuha rin ng siyam na rebounds. Nagdagdag naman si Joshua Munzon ng 15 puntos at si Paolo Javillonar ng 11.
Nag-ambag naman ng tig-siyam na puntos sina Roi Sumang, Bryan Sajonia at Damie Cuntapay para sa Giant Risers.
The scores:
TERRAFIRMA 113 – Strings 25, Chiu 19, Bravo 15, Hanapi 14, Tiongson 13, Ahanmisi 11, Eriobu 9, Paraiso 5, Zaldivar 2, UNali 0, Garcia 0, Catapusan 0, Mariano 0, Miller 0.
TITAN ULTRA 100 – Dionisio 21, Munzon 15, Sumang 9, Sajonia 9, Cuntapay 9, Balanza 6, Yu 5, Amores 5, Omega 4, Pessumal 2, Ambohot 2, Caralipio 2, Ular 0, Inigo 0.
Quarters: 29-25; 51-46; 79-76; 113-100


