Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

DMW: Pinoy seafarer death toll sa sigalot sa Northern Black Sea, umakyat na sa 3, 1 nawawala

Tatlo na ang nasawing Pilipinong marino sa magkakahiwalay na drone at missile attacks sa Northern Black Sea, habang isa ang nawawala at 15 ang nasugatan, ayon sa Department of Migrant Workers (DMW) nitong Sabado, Agosto 1.

Umabot sa 236 Filipino seafarers na sakay ng 17 commercial vessels ang naapektuhan ng mga pag-atake malapit sa Ukrainian ports.

“We have 17 ships attacked in the Northern Black Sea with Filipino seafarers. Two hundred thirty-six Filipino seafarers were involved in these 17 attacked ships,” ani DMW Secretary Hans Leo Cacdac sa Saturday News Forum sa Quezon City.

Sa kabuuang bilang, 217 ang ligtas at hindi nasaktan.

“217 are unharmed, 15 injured, 3 deceased and one missing,” ani Cacdac.

Kinumpirma ng DMW ang unang pagkamatay noong Hulyo 6 at ang ikalawa noong Hulyo 19. Wala pang inilalabas na impormasyon kung kailan nasawi ang ikatlong seafarer.

“I have personally, per instructions of the president, visited all of the families of the three deceased, including the one missing. I’ve assured them and conveyed the president’s sympathies and directive of fullest support and assistance,” ani Cacdac.

Nakikipag-ugnayan ang DMW sa Department of Foreign Affairs, shipowners at manning agencies upang maiuwi ang labi ng tatlong nasawi. Hindi muna ibinunyag ang kasalukuyang kinaroroonan ng mga labi dahil sa seguridad at privacy.

Umabot na sa 89 ang napauwi sa Pilipinas, kabilang ang siyam sa 15 nasugatan. Anim na sugatang marino ang nananatili sa ibang bansa.

Kabilang sa mga nakauwi ang limang tripulante ng Antigua-flagged bulk carrier M/V Venturo na dumating sa Maynila noong Biyernes, Hulyo 31. Inaasahan naman ang pagdating ng 13 pa nitong Sabado.

“The rest are distributed across Ukraine, so na-ibaba na sila, some ay na-ibaba na sa Ukrainian mainland, Romania, Greece, and Turkey,” ani Cacdac.

Nakatakdang bumiyahe sina Cacdac at Overseas Workers Welfare Administration Administrator Patricia Yvonne Caunan patungong Romania sa Lunes kasama ang augmentation team.

Makikipagkita sila sa mga apektadong Filipino seafarers at bibisita sa morgue kung saan nakalagak ang isa sa mga labi. Katuwang sa misyon ang DFA, Philippine Embassy sa Bucharest at Philippine Ambassador to Romania Noel Servigon.

Muling inilabas ng DMW ang high-risk advisory para sa Black Sea at iniutos ang pagpapauwi sa lahat ng Filipino crews mula sa 17 barkong inatake.

Tinukoy din ng ahensiya ang 12 barko na may tinatayang 180 Pilipinong tripulante na hindi tinamaan ngunit nananatili sa apektadong lugar.

“[T]here are 12 ships carrying around 180 Filipino seafarers, unattacked, but still in the area. So, ang instruction namin is to bring all these Filipino seafarers, ng mga ship owners, to safer ground or safer port,” ani Cacdac.

Inatasan ang shipowners at manning agencies na ilipat sila sa mas ligtas na pantalan o lokasyon. Pinayuhan din ang mga kumpanya na huwag nang magpadala ng mga Filipino seafarer sa Northern Black Sea habang nagpapatuloy ang labanan ng Russia at Ukraine.

Batay sa security assessments ng DFA at Department of National Defense, itinuturing ang lugar na nasa ilalim ng “full-scale international armed conflict.”

“Mataas po ang antas ng panganib, kaya kailangan wala pong Filipino seafarers in that area,” ani Cacdac. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles