Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Andrea Brillantes at boyfriend, tuloy pa rin

Naispatan na naman  si Andrea Brillantes na ka-bonding sa isang fine dining restaurant sa Pasig City ang parents at iba pang family member ng boyfriend niyang si Franchesko Juan Capistrano recently.

Medyo nag-lay low ang mga balita tungkol sa kanila nang simulan ni Andrea ang paggawa ng project para sa TV5, kasama si Enrique Gil. Nag-shoot pa sila sa ilang bahagi ng Europe para sa serye kaya’t kumbaga ay nagkaroon ng total news blackout sa usaping pag-ibig ng batang aktres.

At dahil diyan. patuloy pa rin ang maraming netizen at fans sa paniniwalang hindi pa break ang dalawa.

Mukhang nagkaroon lang ng stipulation sa kontrata ni Andrea na nagbabawal marahil na makita sa socmed at public na magkasama sila ng boyfriend niya dahil nasa kainitan pa ng promo ngayon ng serye nina Blythe at Quen.

Komento nga ng netizens na mukhang going stronger ang pakikipagrelasyon ng aktres sa basketbolista dahil balitang sa Lucban, Quezon din nag-Holy Week si Blythe. 

Kilalang pamilya at may maayos na kabuhayan at mga negosyo sa Quezon ang pamilya ni Franchesko. 

Subalit may ilang mga Marites at intrigerong naniniwalang hiwalay na ang aktres at ang non-showbiz bf nito dahil wala naman daw si Franchesko sa mga ganap o bonding time na nabanggit. 

Baka lang daw nanantiling kaibigan ang turing kay Blythe ng mga kaanak ng basketbolista kaya’t may mga ganung scenario. 

Maniniwala lang daw sila na mag-on pa rin sina Andrea at Franchesko kapag may bagong resibong photo o video na magkasama silang dalawa.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles