Very proud na idinisplay ni Cristine Reyes sa kanyang Instagram account ang engagement ring niya kay Gio Tiongson, isang kilalang negosyante at dating Chairperson ng National Youth Commission noong 2014-2016.
Saad ng caption ng seksing aktres, “every timeline led here. Endgame unlocked.”
Matatandaang nagsimula ang romansa ng dalwa noong 2025 sa kasagsagan ng kampanyahan ng midterm elections kung saan aktibo bilang ‘poliical consultant’ si Gio ng partidong Akbayan at chief political adviser ni Sen. Bam Aquino.
Si Cristine naman ay nobya noon ng aktor na si Marco Gumabao na tumakbo nga bilang 4th district Representative ng Camarines Sur sa Bicol region.
Naging aktibo din noon si Cristine sa pangangampanya kay Sen. Imee Marcos kaya’t marami ang nagtataka kung paano silang nagkasundo at naging malapit na magkaibigan ni Tiongson dahil sa magkaibang mga political affiliation.
Pero sa usaping pag-ibig nga ay wala namang imposible kaya’t ang mga sumunod na nabalitaan na lang ng sambayanan ay naghiwalay na sina Cristine at Marco bago pa man ito matalo sa eleksyon at eventually ay naging magka-relasyon na sina Gio at Cristine.
At nito ngang May 2026, halos mag-iisang taon ng kanilang relasyon ay isinapubliko na ni Cristine ang engagement kay Gio.
Dinagsa naman ng mga pagbati sina Cristine at Gio ng kanilang mga kaibigan, kapwa artista, at fans sa comment section ng naturang post ng aktres.
Matagal ng annulled ang kasal ni Cristine sa kanyang unang asawang si Ali Khatibi at mayroon silang isang anak.


