Pinagtatawanan ng ilang netizen ang bagong “emote” ni Congressman Javi Benitez tungkol sa ex-gf nitong si Sue Ramirez.
“Manghuhula na ba siya ngayon? Talagang may pa-predict-predict pa siyang magkakatuluyan ang ex niya at si Dom (Roque),” kantiyaw ng netizen sa pralala ng Kongresista sa isang panayam nito.
Ayon sa mga nakabasa ng naturang interview, wala naman daw kasing ka-torya torya ang mga tanong sa dating boyfriend ng aktres kaya’t wala ding ‘wenta’ ang naging sagot nito.
Although legit naman daw na kumustahin ito hinggil kay Sue, medyo na-OA han lang daw ang netizen sa hirit nitong “hinuhulaan” niang magkakatuluyan sa huli ang ex at bf nito.
“Granting na okay silang naghiwalay at mutual ang break up nila, pero por dios mio, yung hulaan mo pang ikakasal ito sa current bf niya ay parang out of this world reply sa tanong. Hindi showbiz, mas lalong malayo sa imahe niya bilang politician,” dagdag pa ng netizen.
“Parang may pressure tuloy kina Sue at Dom ang awrahan niya,” sabad ng ilan.
“O baka naman gusto lang niyang makatulong sa promo ng movie ni Sue kaya’t may pag-iingay siyang ganyan? Madami naman siyang puwedeng ibalita na pasok sa showbiz, pero yung mangialam sa lovelife ng may lovelife, mapapatanong ka tuloy kung Kongresista nga ba iyan?,” tanong ng iba pa.
Ang ending tuloy ay may mga netizen na “ibinack to you” ang isyu sa lovelife ng father at mother niya, pati na yung ibang mga showbiz celebrities na na-involve sa ama niyang pulitiko din.
Kamakailan ay nakatikim lang din ng pambabatikos ang Kongresista ng third district ng Negros Occidental nang dahil sa nakikisakay lang daw nito sa popularity ng BINI.
Si Benitez kasi ang nag-sponsor Congress ng isang resolution honoring the nation’s pop girl group dahil sa achievement nila sa music festival na Coachella sa USA.
“Gaya-gaya lang naman sa Senado. Halatang nagpapa-andar lang din dahil sa kanyang position at pagtakbo sa pulitika,” sey pa ng netizen sa ginawa nitong paggaya daw sa ibinigay din ng Senado sa naturang grupo.
Minsan na ding naging bahagi ng showbiz si Javi dahil sa pagiging artista nito sa ilang shows ng ABS-CBN at nakilala nga din dahil five years din silang naging mag-bf-gf ni Sue Ramirez.


