Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Alex Gonzaga, nag-anunsyong buntis uli

Isang magandang anunsyo naman ang ibinalita ni Alex Gonzaga sa kanyang Instagram account nitong May 21.

Masayang ibinahagi ng aktres at sikat na vlogger, “After almost 6 years of marriage and 3 heartbreaking losses, we never lost faith and continued to surrender everything to the Lord.”

Saad pa nito, “While preparing for IVF, the Lord Jesus blessed us with a natural pregnancy,” 

Agad nga din siyang binati ng kanyang mga followers at mga kaibigan lalo’t alam nila ang matindi at mahirap na pinagdaanan ni Alex sa pagbubuntis.

Simula noong ikasal siya sa pulitikong si Mikee Morada noong 2020, tatlong beses nang nabuntis si Alex at tatlong beses na rin siyang nakunan.

Subalit hindi sila sumuko at ipinasa-Diyos ang magiging kapalaran ng pagkakaroon nila ng anak.

“We want to thank everyone who prayed with us, hoped with us, and supported us through this journey to becoming parents. By God’s grace, our prayers have been answered, and we are finally going to be mommy and daddy,” dagdag pa ni Alex.

Ikinatuwa ito ng kanyang pamilya at lubos din ang naging pasasalamat nila lalo na ng ate niyang si Toni Gonzaga.

Post pa ni Toni sa kanyang socmed account, “The Lord Jesus truly answers prayers. Please continue praying with us for a safe and healthy pregnancy until our baby arrives.”

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles