Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Chest-level ang baha, todo-level ang sayaw?

Habang lubog sa baha ang ilang bahagi ng isang lungsod sa South, ang kanilang kongresista naman ay todo-hataw sa isang youth gathering.

Ayon sa mga kabisto, nagbigay si Cong ng “surprise dance number” sa grand youth night na ginanap sa isang mall. Kumpleto sa tugtog, galaw, at backup dancers ang eksena. Kaya may mga napatanong: paano naging surprise kung tila handang-handa ang production?

Kasabay ng pag-viral ng dance clip, ibang performance naman ang ipinakita ng opisyal na flood monitoring report ng city hall.

Alas-otso ng umaga noong August 29, dalawang lugar sa isang barangay ang nakapagtala ng chest-level flooding at hindi madaanan ng anumang uri ng sasakyan. Pitong iba pang bahagi ng lungsod ang abot-tuhod ang tubig, kung saan hindi na makadaan ang mga light vehicle. May mga kalsada rin sa pangunahing avenue na parehong nakalista sa knee at gutter level.

Kaya sa social media, kanya-kanyang remix ang mga kabisto.

“Habang kayo binabagyo, si Cong bumabayo.”

“Todo baha, todo sayaw.”

May nagmungkahi pang palitan na raw ang titulo ni kuya: mula congressman, gawin nang Zumba instructor.

Hindi naman bawal sumayaw, mga kabisto. Pero ibang klase ang timing kapag ang ilang residente ay nag-iisip kung paano makakauwi, makakatawid, o mailalabas ang kanilang sasakyan sa baha.

Clue? Ang lungsod ay nasa tabing-bay at madalas lagyan ng mga netizen ng “baha” ang pangalan nito. Ang apelyido naman ni dancing Cong ay kapangalan ng isang ospital na mismong lumitaw sa flood-monitoring list.

Sa distrito niya, mataas ang tubig. Sa entablado, mas mataas ang energy.

Yun na. Bistado!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles