Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Cebu Pacific pinabilis legal, engineering work gamit ang AI

Layuning pabilisin ng Cebu Pacific ang ilang legal, engineering at project management processes matapos nitong gumamit ng artificial intelligence (AI), katuwang ang Thinking Machines Data Science at OpenAI.

Sa legal contract reviews, bumagsak nang mahigit kalahati ang average processing time, mula 2.5 oras tungong nasa 1.2 oras kada review.

Mula naman sa limang araw, nasa isang araw na lang ang turnaround time para sa project intake at triage. Kasabay nito, bumaba nang humigit-kumulang 80 porsiyento ang manual review effort na kailangan sa naturang proseso.

Mas kapansin-pansin ang resulta sa engineering. Ang paghahanap ng technical references na dating kumakain ng 10 hanggang 15 minuto ay nagagawa na ngayon nang wala pang 10 segundo.

Nakipagtulungan ang Cebu Pacific sa Thinking Machines Data Science para tukuyin kung aling high-value workflows ang angkop sa AI at para i-deploy ang ChatGPT Enterprise sa iba’t ibang bahagi ng airline.

Ang Thinking Machines ay isang Temus entity at OpenAI Advanced and Services Partner sa Asia-Pacific, na may operations sa Manila, Singapore at Bangkok.

Hindi basta inilagay ang AI sa kasalukuyang trabaho. Pinagsama sa programa ang ChatGPT Enterprise, workflow redesign, governance at evaluation na iniangkop sa iba’t ibang business use cases.

Kasama rin mismo ang business teams at kanilang leaders sa hands-on co-creation at testing ng AI applications bago ang mas malawak na deployment. Sinubukan ang mga ito sa aktuwal na operating conditions.

Nagpatupad din ng governance at evaluation requirements depende sa risk ng bawat workflow para masukat ang paggamit ng AI sa ilalim ng itinakdang operational controls.

Pagkatapos ng rollout, 86 porsiyento ng surveyed users ang nagsabing tumutulong na ang AI sa mahigit isang-katlo ng kanilang araw-araw na trabaho.

“At Cebu Pacific, we see AI as a practical way to make every customer’s journey simpler and our operations more reliable,” ani Cebu Pacific Chief Digital and Technology Officer Fabricio Ibáñez.

“It helps our people solve problems faster, make better decisions, and focus on higher-value work,” dagdag niya.

Sa hiwalay na pahayag, sinabi rin ni Ibáñez na nakatutulong ang AI para alisin ang friction sa everyday processes, bawasan ang manual work, pabilisin ang proseso at tulungan ang teams na gumawa ng mas mahusay na desisyon.

Hindi pa rito nagtatapos ang AI rollout ng airline. Plano ng Cebu Pacific na palawakin pa ang ChatGPT-enabled workflows at bumuo ng applications gamit ang OpenAI APIs.

Kasama rin sa susunod na yugto ang pag-explore ng agentic AI systems na konektado sa enterprise data at workflows.

Target ng hakbang na palawakin pa ang paggamit ng AI sa operasyon habang pinapahusay ang operational efficiency at customer experience. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles