Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Caloy Yulo, pakakasalan na ang gf; hindi imbitado ang magulang

As expected umani ng maraming negatibong reaksyon ang latest pahayag ni two-time Olympian Caloy Yulo hinggil sa naging tugon nito sa usaping kasal.

Sa vlog ni Karen Davila kung saan na-interview sina Caloy at gf nitong si Chloe San Jose, tinanong ng kilalang news anchor kung may plano na silang magpakasal at iimbitahan ba nila ang mga magulang ni Caloy?

Sagot ng Olympian, “For me, I think because, yung kasal po namin yan and ako po yung… kami po, relationship po namin yan, mas pipiliin kong kami na lang and mas… Paano ba? Ayaw ko ding masira yung moment namin para sa aming dapat dalawa. Ayaw ko yung ano, e, paano po ba, mamantsahan pa.”

Caloy at Eldrew Yulo, magkasama sa ASIAN games sa Japan.. Eldrew, may isyu na din sa ina?… mula sa FB

“Hindi po (iimbitahan),”  dagdag pa ni Caloy na sagot dahil aniya, hanggang ngayon daw ay marami pa ding hindi magagandang salita ang ibinabato sa kanila ng mga magulang na sina Angelica Poquiz  Yulo at Mark Andrew Yulo.

Mas pipiliin daw nilang maging pribado ang kanilang kasal na agad namang sinang-ayunan ni Chloe na nagsabi ding, “Well, honestly, they’re… Of course, they’re your parents, you know… what I think, what he’s comfortable with, then that would be what I’m comfortable with.”

Aniya pa, need daw niyang respetuhin ang desisyon ni Caloy.

 “I think, it’s because it’s really, that wedding day, it will really be about us.  So with or without them, we would have our eyes locked onto each other so it wouldn’t bother me as much,” hirit pa ni Chloe.

Sanhi niyan ay muli silang dinumog ng bashing at muling ipina-alala na sa kulturang pinoy ay isang malaking pagtataksil sa lahi at tradisyon ang nais mangyari ng dalawa.

May mga netizen pang nagsabi na bakit pa sila magkakaroon ng seremonya kung nais pala nilang sa kanilang dalawa lang naka-pokus ang lahat at silang dalawa lang ang gustong maging masaya?

“At saka look at the way Caloy responded to the question, halatang negative na agad ang perception niya sa parents niya? Nasaan yung sinasabi niyang forgiveness and understanding? Sobra na siyang nagpa-under sa asawa niya at nilamon na ng salapi ang utak niya,” saad ng netizen.

Ang latest pang lumabas after the said interview nitong unang linggo lang ng September ay ang diumanoý pagkampi ng kapatid ni Caloy na si Eldrew sa kanila.

Sa mga pinag-uusapang exchange of messages ni Chloe sa nanay nina Caloy at Eldrew at sa kaibigan ni Mrs. Yulo, tila lumalabas na mayroon na ding hidwaan ang mag-ina.

Para daw mauulit na naman ang nooý nangyari kay Caloy laban sa ina nito.

As of this writing, abala sa kanilang kampanya para sa bansa ang magkapatid na Caloy at Eldrew sa sport na gymnastics sa ongoing ASIAN Games sa Japan.

Pormal na magsisimula sa Sept. 19 ang naturang regional event at magtatapos hanggang Oct. 4, kaya’t asahan na daw nating muling iinit at pag-uusapan ang mga “gulo” ng Yulo family gaya noong 2024 Olympics stint ni Caloy.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles