May dagdag-tipid para sa mga biyaherong dadaan sa Bohol-Panglao International Airport (BPIA) ngayong nalalapit na ASEAN Summit long weekend matapos makipag-partner ang airport sa online travel agency na Trip.com.
Sa ilalim ng promo, maglalabas ang Trip.com ng vouchers na may P500 discount sa domestic flights at P1,000 discount sa international flights na nagsisilbi sa BPIA.
Nagsimula ang promotion noong October 1, 2026 at sasailalim sa standard terms and conditions ng booking platform.
Target ng promo ang inaasahang pagtaas ng travel demand bago ang three-day special non-working break sa Metro Manila mula November 16 hanggang 18 para sa 49th ASEAN Summit and Related Summits.
Available ang deals sa dedicated promotion page at mobile app ng Trip.com. Limitado ang vouchers at maaaring magkaiba ang eligibility, booking rules at travel windows depende sa offer.
Pinapayuhan ang travelers na basahin muna ang buong promo mechanics at kumpirmahin ang flight schedules, fares at current offers bago mag-book.
Ang BPIA, na pinapatakbo ng Aboitiz InfraCapital Bohol Airport Corporation at tinatawag na Bohol’s “Green Gateway to the World,” ay may domestic connections patungong Manila, Davao, Clark at El Nido.
May international flights din ito patungong Incheon at Busan sa South Korea.
Sa pamamagitan ng BPIA, direktang naaabot ng travelers ang mga pangunahing destinasyon ng Bohol gaya ng Panglao beaches, Chocolate Hills, heritage sites at iba pang nature attractions.
Inaasahang makatutulong ang partnership para mas maagang makapagplano ang mga pasahero ng local at international trips habang papalapit ang extended break. /Bistado


