Sa mga GenX na naging idolo ang Welsh icon singer na si Bonnie Tyler,malaking bahagi ng kanilang 80’s life ang kantang “Total Eclipse of the Heart” (Turn Around).
Kahit ilang dekada na lumipas, pamoso pa rin ang nasabing kanta at itinuturing nga ito ng maraming mga music platforms na isa sa greatest pop rock songs sa kasaysayan ng music.
Ang nagpasikat ng naturang kanta na si Bonnie Tyler ay namayapa na sa edad na 75, noong July 8.
Ayon sa mga report, “Tyler’s family and team confirmed she died “unexpectedly” on Wednesday evening in a hospital in Portugal due to the “illness that she was being treated for”.
Nito lamang buwan ng Mayo ay isinugod sa isang ospital sa Faro si Tyler dahil sa isang intestinal surgery at nalagay siya sa induced coma.
Hindi na siya naka-recover after kaya naman ng tuluyan na itong pumanaw ay nabahiran ng lungkot ang mga taong nagmamahal sa kanya.
Nagluksa ang mga kapwa niya celebrities, fellow singers at kahit ang mga world leaders sa kanyang pagyao.
Inilarawan siya ni UK Prime Minister Keir Starmer bilang isang “iconic figure” at “one of Britain’s greatest recording artists”

Ang sikat na hollywood actress na si Catherine Zeta-Jones ay nagpahayag ding sobrang kalungkutan ng kanyang puso sa naturang balita, calling her friend Tyler an “extraordinary woman with vocals to match”
Ang kapwa sikat na singer na si Cliff Richard ay sumulat naman sa kanyang socmed account na “another wonderful friend gone too soon”
Ang kilala ding rakista na si Bryan Adams ay nagpahayag na siya ay mananatiling, “always be grateful of her beautiful version of Straight From The Heart. Thanks Bonnie. RIP”
Nakilala ng buong mundo ang istilo ni Tyler na may husky at mataas na voice na naging inspirasyon din ng mga ilang celebrities natin locally na ginaya siya bilang babaeng icon pagdating sa pop rock o slow rock at iba pang alternative songs.
Ilan sa mga karangalan na tinamo ni Tyler sa buong karera niya sa entablado at musika ay ang mga millions of record na nabenta at pumasok sa top charts ng mga music billboards sa USA at UK, pati na ang pagkilala sa kanya ni late Queen Elizabeth’s final honours list.
Ipinanganak bilang si Gaynor Hopkins Sullivan sa South Wales, personal na pinili ni Bonnie Tyler ang pamoso niyang music name mula sa nagustuhan niyang mga names sa isang babasahin noong 1970’s.
Sa kasalukuyan ay lumampas na ng bilyon ang nakapag-stream ng Total Eclipse of The Heart song niya, bilang pagpapatunay ng kanyang katanyagan at kontribusyon sa music sector.
Ang ilan pa sa kanyang mga hit songs ay Lost in France, More Than a Lover, If I Sing You a Love song, Have You Ever Seen the Rain, Holding Out for a Hero, If You Were a Woman, Straight From the Heart, Making Love, No Way to Treat a Lady at marami pang iba na hanggang sa mga panahong ito ay kilala at inaawit ng marami.


