♈ ARIES (March 21–April 20) – Maaaring hindi masunod ang mga plano, pero huwag ikaw agad ang sumalo kapag nagkaproblema sa trabaho. Hayaan ding matutong humawak ng sitwasyon ang iba. Sa personal na buhay, malaking pagbabago ang paparating—maaaring seryosohin mo ang bagong relasyon o maghangad ng ibang lifestyle ang matagal nang partner.
♉ TAURUS (April 21–May 21) – Magdudulot ng saya ang mga simpleng gawain, lalo na kung kasama ang mga bata o ginagawa ito sa labas. Malakas din ang kagustuhan mong itama ang isang maling sitwasyon. Maaari kang makatulong upang matapos ang hindi patas na kalakaran. Ang mabilis na pag-iisip ay magdadala ng pagkakataong kumita.
♊ GEMINI (May 22–June 21) – Hindi sapat ang bahala-na para sa proyektong may kaugnayan sa pamilya; kailangan nito ng seryosong pagpaplano. Pakinggan ang praktikal na payo, lalo na tungkol sa utang o mana. Gamitin ang talino upang makahanap ng malikhaing solusyon. Day trip muna ang posible ngayon, pero darating din ang mas engrandeng biyahe.
♋ CANCER (June 22–July 22) – Gagaan ang iyong pakiramdam habang bumubuti ang daloy ng pera, pero hindi agad-agad mangyayari ang pagbabago sa lifestyle. Kailangang maging kumpiyansa muna ang partner sa plano ninyo. Kung pakiramdam mo ay hindi ka napahahalagahan ng pamilya, subukan ang bagay na matagal mo nang gustong gawin. May kaibigang handang sumama sa masayang pakikipagsapalaran.
♌ LEO (July 23–August 23) – Lalo kang magiging madaldal at mahusay makipag-ugnayan, pero bigyan din ng pagkakataong magsalita ang iba. Bibilis ang takbo ng buhay sa pamamagitan ng biyahe at bagong karanasan. Mas madarama mong ikaw ang may kontrol. Hindi pa man maganda ang pera, may paparating na kita.
♍ VIRGO (August 24–September 22) – Unti-unting mawawala ang bigat ng problemang ilang buwan mo nang dinadala, kahit may isang taong tutol sa pagbabago. Panahon nang unahin ang sarili at sumubok ng kakaiba sa sining, kulay, kalusugan o fitness. Dagdagan ang pagsisikap sa isang malikhaing proyekto o sports event upang makuha ang pinakamagandang resulta.
♎ LIBRA (September 23–October 23) – Mas gusto mong tahimik lamang, pero ang bagong responsibilidad ay maaaring magpabago sa iyong imahe. Panindigan ang sariling paraan kahit may matitigas ang ulong nagsasabing mas alam nila ang nararapat. Hindi pa buo ang kanilang plano para sa pagbabago sa bahay, pero darating ang tulong mula sa hindi inaasahang tao.
♏ SCORPIO (October 24–November 22) – Hindi gagana ang pagtatago ng katotohanan para lamang hindi masaktan ang damdamin ng iba. Maging diretso ngunit mahinahon. Huwag madismaya kung mabagal ang resulta ng iyong pagsisikap dahil darating ang tagumpay sa tamang panahon. Isang kaibigan ang magpapakilala sa taong maaaring magbukas ng bagong oportunidad.
♐ SAGITTARIUS (November 23–December 21) – Maraming magandang nangyayari, pero may sitwasyon sa trabaho na patuloy na gumugulo sa iyo. Gawin ang desisyong matagal nang iniiwasan ng iba at huwag magpadala sa pabago-bagong mood ng partner. Bukas-palad ka sa oras para sa mga kaibigan, pero magtakda ng hangganan kapag pera na ang hinihingi.
♑ CAPRICORN (December 22–January 20) – Magpahinga habang may pagkakataon dahil magiging abala ang mga susunod na linggo. Ayusin ang mga hindi natapos upang maging organisado ka sa hinaharap. Maaaring bumalik ang partner at manumbalik ang tunay na closeness. Huwag muna padalos-dalos sa bagong hamon dahil mas mahalaga ang seguridad sa pera.
♒ AQUARIUS (January 21–February 18) – Hindi mo kailangang gawin ang lahat nang mag-isa. Makipagtulungan upang matapos ang trabaho o maiparating ang mahalagang pananaw. Kung nagkamali, humingi ng tawad at magpatuloy. Sa usaping pampamilya, mas makabubuti ang katapatan kaysa paliguy-ligoy dahil mas igagalang ka ng mga mahal sa buhay.
♓ PISCES (February 19–March 20) – Sunod-sunod na pangyayari ang maaaring sumubok sa bago mong health routine, pero huwag sumuko. Ang masustansiyang pagkain at ehersisyo ay magbibigay ng magandang pakiramdam at resulta. Pabor ang kasiyahang malapit sa dagat. Sa relasyon, unawain ang pag-aalinlangan ng partner bago magmungkahi ng biglaang pagbabago.


