Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Pilipinas yuko sa China sa FIVB Girls’ U17 Worlds

Tiklop ang Pilipinas sa China, 18-25, 21-25, 13-25, sa pagsisimula ng 2nd FIVB Girls’ U17 World Championship sa San Felipe, Chile nitong Biyernes ng umaga (oras sa Pilipinas).

Maganda ang debut ni Caera Celis sa Alas Pilipinas matapos magtala ng 13 puntos mula sa 12 attacks at isang ace.

Si Khaira Manzano ay nag-ambag ng dalawang blocks, isang attack at isang ace.

“Losses are part of competition. We have a lot of games to play, (and) we’ll bounce back tomorrow (Saturday),” ani Celis.

Mexico ang kalaban ng Alas sa Sabado at Tunisia naman sa Linggo, parehong oras sa Pilipinas.

Matapos ang isang araw na pahinga, ang huling dalawang kalaban ng Alas sa Pool B ay Peru sa Agosto 11 at Venezuela sa Agosto 12, parehong oras sa Pilipinas.

Inamin ng coach ng Alas Pilipinas na si Edwin Leyva na malayo sa pagiging perpekto ang kanilang laro, ngunit mahalagang karanasan para matuto.

“China is a very strong team. We can’t control that. We were poor on defense, that we can control. So we have to focus on that during training,” ani Leyva.

“Aside from that, it’s the attitude of carrying the weight of an error to the next play. We hope they learn to reset quickly, move on and focus on the positives,” dagdag pa ni Leyva.

Nagtala si Ruihan Chen ng 12 puntos mula sa 10 attacks at dalawang blocks, habang nagdagdag si Sichen Ren ng 11 puntos mula sa walong attacks, dalawang blocks, at isang ace para sa Tsina.

Defending champion ang China sa torneo na nanalo noong 2024, bagama’t pumangatlo lamang sa 2025 Asian Women’s U16 Volleyball Championship na ginanap sa Jordan noong Nobyembre at pinagwagian ng South Korea.

Ikalimang pwesto ang Alas Pilipinas sa U16, sapat na upang umabot sa World Championship.

Si Yachen Xuan, ang 15-anyos na kapitan ng Tsina, ay nagtala ng apat na blocks.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles