Magdadala ang southwest monsoon o Habagat ng malakas na ulan sa Zambales at Bataan ngayong Sabado, August 15, hanggang bukas, Linggo, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa).
Sa Weather Advisory No. 54 na inilabas alas-5 ng umaga, inaasahang makatatanggap ang dalawang lalawigan ng 50 hanggang 100 millimeters na ulan ngayong Sabado. Gayundin karaming ulan ang forecast sa Zambales at Bataan sa Linggo.
Sa Lunes, August 17, lalawak ang mga lugar na maaaring makaranas ng 50 hanggang 100 millimeters na ulan. Kabilang dito ang:
-Ilocos Sur
-La Union
-Benguet
-Pangasinan
-Zambales
-Bataan
-Occidental Mindoro
Nagbabala ang Pagasa na maaaring mas mataas ang rainfall sa mga mountainous at elevated areas.
Maaari ring lumala ang epekto ng mga susunod na pag-ulan sa mga lugar na nakaranas na ng malaking volume ng ulan nitong mga nakaraang araw.
Pinayuhan ang mga kinauukulang public disaster risk reduction and management office na gawin ang lahat ng kinakailangang hakbang upang maprotektahan ang buhay at ari-arian.
Samantala, binabantayan din ng Pagasa ang isang Low Pressure Area (LPA 08e) sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Huling namonitor ang LPA alas-2 ng madaling araw ngayong August 15. Itinuturing itong “UNLIKELY” na maging tropical depression sa loob ng susunod na 24 oras. /Bistado


