“Let the rule of law prevail,” ang more or less nais iparating ni Ara Mina nang makapanayam ito ng BISTADO pagkatapos ng matagumpay na MADDOX Jewelry Fashion Show last July 30 sa Edsa Shangrila Hotel.
Isa ang sexy at magandang aktres sa 40 celebrities na rumampa sa naturang fashion event.
Sa naturang panayam, naitanong ng BISTADO kung kumusta na sila ng kaibigang Sarah Discaya, na naging best of friend niya noong nakaranng election kung saan tumakbo din siya bilang Konsehal sa Pasig City.
Si Sarah ang asawa ni Curlee Discaya ng St. Gerrard Construction Corporation and Alpha and Omega Construction, ang mga kontrobersyal na kumpanya na nasangkot sa bilyon-bilyong flood control scandal sa gobyerno.
Pahayag ni Ara, “we are still good friends. Kinukumusta ko pa rin naman sila at nakapag-uusap pa rin kami kahit nga medyo limited na. We still pray for each other na malampasan ng maayos ang mga gusot na ganito.”
Nakiusap din si Ara na since masyadong high profile ang mga kaso ng mag-asawa at kanyang kaibigan,”hayaan na po muna natin na yung batas at mga legal na tao (lawyers) ang humawak niyan. Basta ako as a friend, nandito lang.’
Meanwhile, dahil negosyante nga din si Ara, nakipag-collab pala siya kay Madam Charo Cordial sa naturang MADDOX Jewelry business nito.
“Ang maganda pa yung mga personal designs ko, magagamit namin sa line of business ko. Hindi naman ito bago sa akin pero nakaka-excite lang dahil gaya ng nasabi ko na before, diamonds are forever talaga,” sey ni Ara.
Noong nag-uumpisa pa lang daw kasi sa showbiz si Ara ay pinayuhan na din siya ng idol niyang si megastar Sharon Cuneta na mag-invest sa jewelries kapag may extra money lang din.
“Yes, sobrang si ate Sharon po ang nagbigay ng inspirasyon sa akin sa ganyang bagay. Hanggang ngayon nga ay nandiyan pa rin yung kauna-unahang jewelry ko na diamond na bigay niya,” sambit pa ni Ara.
Kilala sa showbiz si Ara bilang isa sa napakasipag magnegosyo basta legal daw at maraming matutulungan.
“With this kind of exposure now, siguro naman ay marami din tayong mai-inspire at matutulungan. That’s why sobra kong na-appreciate ang friendship ko with Madam Charo,” dagdag pa ni Ara.
Sa naturang fashion show, isa si Ara sa nakatanggap ng malakas na palakpak at hiyawan mula sa audience. Isa lang din siya sa mga rumampa na binigyan ng “solo frame o exposure’ sa stage dahil nga sa estado niya.
And take note, hindi talaga siya nagpakabog sa mga young models dahil ipinakita din niyang kering-keri niya ang mga kakaibang galawan, ikot, poses at ngiti habang rumarampa.


