Ang SB19 nga ang kauna-unahang pinoy artists na nagtanghal sa pamosong Lollapalooza music event sa Chicago, USA.
Kilala ito sa buong mundo bilang isang music event na ginaganap sa loob ng apat na araw featuring alternative rock, hip-hop, and electronic dance music. Nagaganap ito sa Grant Park in Chicago, Illinois, United States.
And last July 30, for the very first time nga ay naimbitahan ang pinoy Kings of Pop na SB19 to perform.
Dinagsa ng papuri at pagbati ang grupo hindi lamang mula sa mga pinoy fans kundi ng mga ibang lahi na ina-admire ang klase ng music nila.
Ang sikat na sikat na GENTO ang naging pambungad nilang performance na tunay namang pinalakpakan at sinayawan ng mga audience na tinatayang nasa daang libo from all the world at mula sa iba’t-ibang lahi at hilig sa music.
Subalit ang latest nilang LAWLESS single ang higit ding pinuri dahil sa kakaibang tunog, areglo at mensahe nito na nagsisilbi ngayong tagapag-pa-alala ng mga sistema sa ating buhay at paligid.
“Very relatable,” sey ng mga ka-atin at ka-Mahalima sa bagong single ng SB19. “Talaga namang kahit kailan ay uso sila, trendsetter at magandang ehemplo at inspirasyon sa lahat. Thier music is well-loved not by just pinoys but simly by everybody,” saad pa ng mga ka-Atin.
Sa official fan page ng SDB19, inilarawan nina Pablo, Stell, Josh, Justin at Ken na naging very momentous at historic sa kanila ang ginawang performance sa Lollapalooza.
Korus ng grupo, “we are doing this not just for the pinoys all over but for everyone who love, believe and practice that music is here to stay and be with us in all forms, sound and feels.”
Samantala. may binabalak namang parangal na inihahanda at ihahain ang Senado thru Sen. Bam Aquino para sa Kings of Pop pagbalik nila ng bansa.
Sa lakas at tindi daw ng impact na nalikha at nai-contribute ng SB19 sa Pilipinas in terms of tourism, global music, culture and tradition, talent and what else, dapat lang daw itong ma-compensate ng state.
Mixed naman ang reactions ng mga fans dahil para daw sa kanila ay pagpapa-pogi lang ito ng mga nasa gobyerno using the group.
Anila, “matagal ng kilala sa buong mundo ang SB19. Matagal na silang asset ng bansa, nagku-contribute at nagre-represent ng bansa para sa magaganda at mahuhusay na bagay bilang pinoy. Parang masyado namang pulitika ang drama nilang bigyan sila ng parangal dahil lang sa nagawa nila sa Lollapalooza.”
Ngayong August ay muling bibitbitin ng SB19 ang bandila ng bansa dahil naimbitahan din silang mag-perform sa Summer Sonic sa Japan. Ito naman ang isa pa din sa pinakamalaking music event sa mundo na inoorganisa ng mga Hapon.
SB19 will perform on the Massive Stage in Osaka on August 14 before heading to the Pacific Stage in Tokyo the following day


