Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Alden Richards, planong sumabak sa Ironman race sa 2027

“Hopefully by 2027, makasali na ako sa 17.3,” ang naging pahayag ni Alden Richards tungkol sa pangarap niyang makapag-Iron Race.

Naging kapansin-pansin kasi ang mas determinadong pagpupursige nitong paghahanda para sa kaniyang fitness goal.

Sa lumabas na pahayag mula sa GMANetwork.com, ibinahagi ng itinuturing na Asia’s Multimedia Star na sobra siyang “challenged and inspired” sa upcoming series na “Love, Siargao.” 

Ang dahilan? Natural daw kasi sa mga taga-Siargao at halos lahat ng mga taong nakasalamuha niya doon kasama na ang ubod seksi niyang katambal na si Nadine Lustre, ang maging very fit, healthy and sporty.

sey pa nito sa naturang interview, “Right now, kasi parang, I’ll just aim for Siargao by the end of April for three weeks. And then, pagbalik ko, since I am going to be doing all the training, I think in between siguro ng taping, I will try to squeeze in trainings kahit papaano.”

Sa naturang series kasi nila ni Nadine ay halos lagi daw silang naka-hubad, naka–display ang mga katawan just like any ordinary folks in there na parte na ng kultura ang pagiging taga-dagat o taga-isla.

“Very inspiring, very encouraging yung ganung klaseng disiplina kaya naisipan kong lagyan ng variation by focusing on my sports at yun nga, pasok para sa Iron  Race. So, hopefully by 2027, makasali na ako sa 17.3 na gagawin ko ‘yung lahat. We will see. Tignan natin kung kaya,” dagdag pa ni Alden.

Noong nakaraang March, natapos ni Alden ang kaniyang kauna-unahang triathlon relay sa BYD Ironman 70.3 Davao. Kasama niya sa competition sina Nico Bolzico at Wil Dasovich.

Maliban sa kaniyang active lifestyle, busy rin ang aktor sa kaniyang upcoming projects. Kamakailan, ipinakilala siya bilang isa sa mga lead ng upcoming GMA medical drama series na Code Gray.

Mapapanood din si Alden bilang host sa Stars on the Floor 2026 tuwing Linggo, 7 p.m. sa GMA, Kapuso Stream, at GMA Pinoy TV.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles