Trending ang lumabas na panayam nina Donny Pangilinan at Belle Mariano para sa promo ng kanilang pelikulang “Tayo Sa Wakas.”
Ini-anunsyo kasi ng dalawang bida at nakilala bilang DonBelle tandem sa showbiz na after ng nasabing movie project ay maghihiwalay muna sila bilang magkapareha o magka-love team.
Last Monday, April 27 sa podcast ni Bianca Gonzalez na ‘Paano Ba ‘To’ ay halos maluha-luhang sabay na ini-anunsyo ng dalawa sa mga sikat na young stars sa showbiz ang naturang balitang last movie team na nila ang soon to be shown na ilm na Tayo Sa Wakas.
Ang Tayo Sa Wakas ang reunion movie ng tambalang DonBelle makaraan ang halos apat na taon. Huli silang nagkasama sa An Inconvenient Love (2022), bago pa man ang last TV series nila na Can’T Buy Me Love (2023-24).
Ayon kina Donny at Belle, espesyal sa kanila ang Tayo Sa Wakas dahil bukod sa ito ang proyektong pinaka na-challenge sila, dito rin daw nila mas nakita ang kanilang pag-grow bilang individual artists.
Saad ni Belle: “I feel like [this movie fits into our lives] in maybe finding our individuality and identity alone. Because this film really requires you to find who you are, and that’s where we are now, Donny and I. You know, we want to grow as individuals, we want to find our identity.”
Dugtong dito ni Donny: “Kasi sometimes it’s not about falling in love with your partner— it’s about falling in love with yourself, and we forget that sometimes. And I think that’s one of the biggest things this film will showcase, that you can’t forget about yourself, too. I think parang ganun, finding our own path and not forgetting our own journeys.”
Sa bahaging yun ng panayam ni Bianca ay nagsalita na kapwa ang dalawa tungkol sa pansamantalang pagkabuwag ng kanilang sikat na tandem.
Ani Donny: “We’ve done so many projects throughout the years. Me and Belle decided that for this specific movie, it will be our last DonBelle project for now. That’s why we’re focusing all our energy to make sure this movie is worth it.”
Paglilinaw naman ni Belle, “mutual decision” nila ni Donny ang magpahinga muna bilang loveteam at maging mga individual artists na puwedeng makapareha ang kahit sino.
“I feel like it would allow us to grow, actually find what we want, find who we are, and come back as better people,”saad pa ni Belle.
Natatakot man daw sila sa posibleng kahinatnan ng kanilang desisyon, handa naman daw sila itong tanggapin.
Lubos din silang nagpasalamat sa mga supporters at fans nilang patuloy silang tinatanggap at inuunawa at sana nga raw ay maintindihan nila ang naging pasya nila sa ngayon.
Samantala, may mga fans at supporters pa ring naniniwala na marahil ay bahagi lamang ito ng isang malaking promo gimmick para sa movie.


