Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Alan Peter Cayetano bagong Senate President, Tito Sotto pinatalsik sa liderato

Pinalitan si Sen. Vicente “Tito” Sotto III bilang Senate President nitong Lunes, May 11, matapos mahalal si Sen. Alan Peter Cayetano sa gitna ng papalapit na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Naganap ang biglaang leadership change habang nakaabang ang Senado sa posibleng pagdating ng Articles of Impeachment laban kay Duterte mula sa House of Representatives.

Ayon sa mga ulat, ang Senate minority, na karamihan ay kaalyado ng mga Duterte, ang nagtulak ng pagpapalit ng liderato sa session nitong Monday.

Bago ang botohan, sinabi ni Cayetano na may 13 senador nang nais ng leadership change. Humiling din siya ng maayos na transition.

“I really admire your statement yesterday saying that you serve at the pleasure of the body so may I manifest that there are now at least 13 members of the Senate who wish to have a leadership change. Senator Bato dela Rosa is in the building and will be here in a minute,” ani Cayetano.

Nauna ring sinabi ni Cayetano na secured na ang 13 votes para palitan ang liderato ni Sotto. Binanggit din niya na nasa Senado si Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa, na hindi nakadalo sa mga session mula pa noong November.

Si Sen. Imee Marcos ang nag-nominate kay Cayetano bilang bagong Senate President.

Sa botohan, 13 senador ang bumoto pabor sa pagdeklara na bakante ang lahat ng posisyon sa Senado, na epektibong nagpatalsik kay Sotto sa top post. Sampu ang tumutol at isa ang nag-abstain.

Matapos ang ilang buwang hindi pagpasok sa Senado, dumalo si Dela Rosa para suportahan si Cayetano.

Nanumpa si Cayetano bilang bagong Senate President sa harap ni Sen. Camille Villar. Kasama niya sa oath-taking ang kanyang asawa na si Taguig City Mayor Lani Cayetano at ang kanyang kapatid na si Sen. Pia Cayetano.

Dumarating ang pagpapalit ng liderato sa Senado sa sensitibong yugto ng impeachment process laban kay Vice President Duterte. Sa House, nakatakdang umusad ang Articles of Impeachment kung makuha ang kinakailangang boto para maipadala ito sa Senado.

Kapag na-transmit ang Articles, ang Senado ang tatayong impeachment court. Dahil dito, mas lalong naging mahalaga ang timing ng pagpapalit kay Sotto at pag-upo ni Cayetano bilang bagong lider ng chamber.

Wala pang malinaw na pahayag sa magiging epekto ng Senate leadership change sa posibleng impeachment trial, pero malinaw na nagbago ang timon ng Senado bago pa man pormal na magsimula ang pinakamalaking political trial na posibleng harapin ng chamber ngayong taon. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles