Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

P20M hinihinalang cocaine natagpuan sa dagat ng Palawan

Hinihinalang cocaine na nagkakahalaga ng P20 million ang narekober sa coastal waters ng Rizal, Palawan noong hapon ng May 10, matapos mag-report ang isang lokal na mangingisda ng dalawang kahina-hinalang pakete na lumulutang malapit sa baybayin ng Barangay Taburi.

Batay sa initial police investigation, ang mga pakete ay nakabalot sa black plastic at naglalaman ng humigit-kumulang dalawang kilo ng suspected cocaine.

Natagpuan ang mga pakete mga 25 miles mula sa shoreline ng Barangay Taburi habang nasa dagat ang mangingisda. Matapos makita ang floating packages, agad niyang inalerto ang mga awtoridad.

Agad namang siniguro ng personnel ng Rizal Municipal Police Station, sa ilalim ng Palawan Police Provincial Office, ang mga narekober na item para sa documentation at laboratory examination.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad para matukoy ang pinagmulan ng narekober na ilegal na droga at makilala ang posibleng mga taong sangkot. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles