Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Powerful producer, may ‘secret love team’ sa alagang model-actor?

Hmmm how true kaya na dahil parang normal na sa showbiz ang usapang ‘sex scandal’ hindi na daw gaanong nangangamba ang isang negosyante na may kuneksyon din sa showbiz na baka very soon ay may lumabas din siyang sex video?

Ayon sa usap-usapan, si negosyante na aktibo rin sa  mundo ng showbiz bilang “up-and-coming producer” ay laging napapasama sa listahan ng mga  lalaking may kuwestyunableng gender.

Sobrang “grand’ ng naging entrance niya sa showbiz dahil bukod sa big hit ang mga ginawa niyang projects, tunay namang nakahanay siya sa mga malalaking bituin at super sikat talaga.

Maging sa labas ng bansa ay nai-represent niya ang showbiz industry making “him” the go-to producer ng mga aspiring artists, small movie entrepreneurs at kahit yung mga nasa mundo ng negosyo at pulitika.

Yes, may bongga din kasi siyang ‘kunek’ sa politics kaya’t kahit sa mga negosyo ay nakilala din siya. 

Ika nga, “he has the right connections for him to have the powers.” Yun nga lang, hindi nga napi-perfect ang lahat dahil pagdating sa kanyang personal life, tila may kulang o may iba?

At his age na lampas trentahin na, marami ang curious kung bakit single at wala man lang babae na na-involve sa kanya. He is good looking naman at masasabi ngang pang-artista din ang aura.

May mga balita pa ngang maraming mga female celebrities ang tila “tinutukso” siya pero mukhang ADAN din ang hanap ni negosyanteng powerful.

Nitong mga nakaraang buwan ang ay naging ‘obvious’ ang pagiging sobrang close niya sa isang model turned actor na siya din ang nagbigay ng oportunidad.

Takang-taka ang industry kung bakit out of nowhere ay parang bulalakaw sa bilis pumailanlang ang exposure ni model turned actor dahil sa sunod-sunod na projects na ibinigay ni negosyanteng powerful mapa-TV, movies o kahit mga simpleng raket sa mga fiestas, events, etc.

Hanggang sa na-tsismis ngang ipinag patayo na niya ito ng bahay kumpletos with everything in it na kamakailan ay ipinagmalaki naman ni model turned actor sa social media thru vloggers and socmed influencers.

Sa pag one-plus-one ng mga Marites (mare ano ang latest?) at Marisol  (mareng taga- sulsol) sa showbiz, mukhang out of the limelight ay higit pa sa talent-producer ang ugnayan ng dalawa.

Until sumabog ang mga sex video scandal at napag-usapan ngang hindi imposible na mayroon ding mga ‘intimate moments” sina powerful negosyante at actor turned model.

Sey ng netizens na nakatutok sa kanila, “hindi naman bago kung meron man sila pero exciting din dahil very powerful nga si negosyante sa mundo niya ngayon. Si …(model-actor) ay mukhang sanay na naman sa ganyang iskandalo dahil relax na relax nga siya.”

Ayyy!!! Ibisto na yan!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles