Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Immigration crackdown? 100+ Pinoy, iniulat na inaresto sa China

Binansagan ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilberto “Gibo” Teodoro Jr. na “extortion and blackmail” ang iniulat na immigration crackdown ng China laban sa mahigit 100 Pilipino, habang kumikilos ang Department of Foreign Affairs (DFA) upang matukoy ang tunay na bilang, lokasyon at kalagayan ng mga nahuli.

“The action against 100 Filipinos is plain and simple extortion and blackmail. We strongly condemn both the attempt by China to interfere in our law enforcement processes and the blatant blackmail against Filipinos,” ani Teodoro nitong Huwebes, August 13.

Hindi pa inilalabas ng DFA ang eksaktong bilang at mga lugar kung saan dinakip ang mga Pilipino. Bagama’t may mga ulat na kabilang ang Hong Kong at Macau, sinabi ng ahensiya na nakikipag-ugnayan pa ito sa Philippine Embassy sa Beijing at mga consulate general sa China upang beripikahin ang mga detalye.

“The Department is in close coordination with our Embassy in Beijing and our Consulates-General to verify the circumstances of the arrests, ascertain the exact number and status of those apprehended, ensure that due process is observed, and extend consular assistance as needed,” pahayag ng DFA.

Noong Lunes, August 10, sinabi ng Ministry of Foreign Affairs of China na “actions have been taken in accordance with the law against over 100 Philippine nationals for illegally working or living in China.”

Iginiit din ng Chinese Foreign Ministry na “immigration staff acted in a standard and civil manner and ensured the protection of the rights and interests of the foreign nationals concerned.”

Wala pang inilalabas na kumpletong listahan ng mga nahuli, ng kanilang immigration violations, o ng kasalukuyang detention status.

Kinilala ng DFA ang karapatan ng China na ipatupad ang sarili nitong immigration laws, ngunit iginiit na dapat pairalin ang due process at tiyakin ang kaligtasan ng mga Pilipino.

“The Philippines respects China’s sovereign right to enforce its immigration laws, as it does the right of every state to enforce its own laws on foreign nationals within its jurisdiction, in accordance with due process and established legal procedure,” pahayag ng ahensiya.

“At the same time, we call on Chinese authorities to safeguard the welfare of the arrested Filipinos and to promptly notify our Foreign Service Posts of their arrest and detention, consistent with the Vienna Convention on Consular Relations and the 2013 Philippines-China Consular Agreement,” dagdag nito.

Sa ilalim ng 2013 Philippines-China Consular Agreement, kailangang abisuhan ng host country ang consular post ng kabilang bansa sa loob ng apat na araw kapag ang isang mamamayan nito ay inaresto, idinitine o pinagkaitan ng kalayaan. Dapat gawin ang notification kahit hindi ito hilingin ng dinakip na indibidwal.

Lumitaw ang alegasyon ng posibleng retaliation sa isang Senate hearing nang sabihin ni Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) Executive Director Benjamin Acorda Jr. na dati siyang binisita ng mga kinatawan ng Chinese Embassy sa Manila.

Ayon kay Acorda, sinabi umano sa kanya na “there is a threat” na maaaring arestuhin ang mga Pilipino sa China kung hindi palalayain ng Pilipinas ang mga Chinese national na nahuli sa operasyon sa Philippine Sanjia-Steel Corporation sa Tagoloan, Misamis Oriental.

Gayunman, hindi direktang iniugnay ni Chinese Foreign Ministry spokesperson Guo Jiakun ang immigration operation sa pag-aresto ng Pilipinas sa mga Chinese national. Wala ring inilabas na pahayag ang Chinese Embassy sa Manila bilang tugon sa alegasyon ni Acorda.

Noong May, sinalakay ng Philippine authorities ang Sanjia-Steel facility sa loob ng Philippine Veterans Investment Development Corporation (PHIVIDEC) Industrial Estate. Isinagawa ang operasyon sa bisa ng mga search warrant dahil sa mga alegasyong may kinalaman sa mga paglabag sa immigration, labor, at public safety, at sa paghawak ng mga potensyal na mapanganib na materyales.

Iginiit ni Teodoro na ligal ang operasyon at nakabatay sa mga warrant na inilabas ng korte.

“The law enforcement efforts against the Chinese nationals that are referred to in a recent report were done on the basis of search warrants issued by the proper courts,” aniya.

Binatikos din niya ang pagtutok umano ng Chinese authorities sa visa at passport status ng mga nahuli habang hindi sinasagot ang mga alegasyong nagbunsod sa operasyon.

“This is an admission by them that indeed the acts of these individuals were illegal under Philippine law,” ani Teodoro.

Iginiit pa niyang hindi maihahambing ang mga Pilipinong hinuli sa China sa mga Chinese national na inaresto sa Pilipinas.

“Filipinos in China have neither the intent nor the capacity to commit violations of Chinese law much less in the scale perpetuated by Chinese nationals here,” aniya.

Nauna nang nagpataw ang Beijing ng sanctions laban kay Teodoro at sa kanyang pamilya, kabilang ang pagbabawal sa kanilang pagpasok sa mainland China, Hong Kong at Macau at paghihigpit sa mga transaksiyon sa Chinese entities. Tinawag noon ng DFA ang hakbang na isang “unfriendly act” na lalong nagpapahirap sa relasyon ng dalawang bansa.

Habang nagpapatuloy ang diplomatic row, sinabi ng DFA na pangunahing prayoridad nito ang pagtukoy sa kinaroroonan ng mga Pilipino, pagtiyak na nasusunod ang due process at pagbibigay ng kinakailangang consular assistance. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles