Sinetch kaya itong pinag-uusapang sikat na TV-host-actress na diumano’y biglang naging “insekurada” (insecure) sa kanyang nakasamang female celebrity sa isang product endorsement?
Si TV-host actress ay marami nang nagawang TV and movie projects bukod pa nga sa meron siyang huge fan base. Actually isa siya sa mga kinikilalang top female celebrities at endorsers sa showbiz at commercials ngayon.
Ang mga na-link din sa kanyang mga showbiz male partners ay matatawag ding mga topnotch sa liga nila. Kaya’t kumbaga, bilang well-established na siya sa industry ay wala na dapat maging rason sa kanyang insecurity.
Pero ayon sa ating mga kabisto, sa naturang shoot nga ng isa sa mga latest product endorsements niya, ay tila naging obvious daw ang demand nito sa production team. Kahit pa nga nagkaroon na ng earlier prod meets and the like, still may mga changes siyang ipinagawa last-minute: Mga demand na may kaugnayan sa pagiging dapat na bida siya, mga lines and shots na dapat siya ang sentro at mga bagay na may concern sa kanyang total look, fashion sense and statement.
Naunawaan naman daw ng production ang ‘demand’ ni sikat na TV-host actress dahil bukod sa mas maganda ang bagets nitong co-star sa product ad, mas bata, mas fresh looking at mas well-endowed ang “bumpers” ng tila kina-iinsekyuran nitong co-star.
Ang commercial in question, ngayo’y ume-ere na sa lahat ng major platforms.
Kaswal at very natural nga ang naging reception ng madlang pipol sa younger co-star na ngayo’y sinasabing magiging bagong ‘crush ng bayan.’ Sa simpleng analysis ng mga nasa industriya, tinalbugan ni younger celebrity si sikat na TV-host actress kahit ibinigay pa dito ang buong “frame at focus” ng ad.
Clues? Hmmm…halos araw-araw napapanood sa TV si sikat na TV host-actress habang si younger celebrity ay kabilang sa isang girl-group na sikat na din sa ngayon. Tungkol sa pagkain ang ad nila together.
Bistado!


