Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Tipid hack: Iwas-transfer fee sa InstaPay at PESONet

Maliit tingnan ang P10, P15 o P20 na transfer fee.

Pero kung madalas kang nagpapadala ng pera, nagbabayad ng bills, naglilipat sa e-wallet, o naghahati ng budget sa iba’t ibang account, lumalaki rin ang kaltas.

Kaya ang tipid hack: gamitin ang banko o app na may libreng InstaPay at PESONet.

As of July 8, ilang bangko at digital banks na ang nagtanggal o nagbawas ng transfer fees kasunod ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Circular No. 1238 at Memorandum No. M-2026-025, na nagtatakda ng market-based pricing mechanism para sa person-to-person electronic fund transfers.

Sa BSP framework, kung libre ang transfer sa sariling platform ng isang institution, ang external transfer fee ay dapat sumalamin lamang sa actual interbank network switch cost. Tinataya ng BSP ang switch cost sa InstaPay sa humigit-kumulang P1.50 kada transaction.

Kung kailangang pumasok agad ang pera, piliin ang libreng InstaPay. May unlimited free InstaPay transfers ang BPI, Vybe by BPI, BanKo, DiskarTech, UnionDigital Bank, OwnBank, LandBank, UnionBank, at PNB simula July 10.

May libre rin pero may limit: MariBank, 50 free transfers monthly; RCBC, 30 free transfers monthly sa RCBC Pulz; GoTyme, 20 monthly; Netbank, 10 daily; at CIMB Bank, 2 daily.

Kung hindi urgent ang padala, puwedeng PESONet ang gamitin. Hindi ito laging real-time, pero sulit kapag libre.

Free ang PESONet transfers sa BPI, LandBank, UnionBank, Maya, CIMB Bank Philippines, EastWest, HSBC, GoTyme Bank, UnionDigital Bank, at PNB. MariBank, may 15 free transfers weekly na combined cap para sa PESONet at InstaPay.

Kinumpirma rin ng PNB na magiging libre ang domestic fund transfers via InstaPay at PESONet sa PNB Digital simula July 10. LandBank naman, nagpatupad ng libreng InstaPay at PESONet transfers simula July 7 sa LandBank Mobile Banking App at iAccess, kasama ang Overseas Filipino Bank clients.

Halimbawa, kung P15 ang dating bayad mo kada transfer at 20 beses kang nagta-transfer kada buwan, P300 ang tipid mo kada buwan. Sa isang taon, P3,600 ’yan. Kung P10 kada transfer at 30 beses kada buwan, P300 pa rin ang natitipid.

Pero bago mag-send, laging i-check ang fee sa app. Nagbabago ang effective dates, channels, caps, minimum amounts, at promo conditions.

Simple lang ang hack: huwag basta-basta pumindot. Kung urgent, hanap ng libreng InstaPay. Kung hindi nagmamadali, gumamit ng libreng PESONet. Kung may bankong naniningil pa rin, ilipat ang pang-transfer na budget sa bangkong walang kaltas. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles