Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Spokes ni VP Sara, iniitsapwera na sa defense camp?

Trouble, trouble daw ngayon sa defense camp ni Vice President Sara Duterte sa impeachment trial.

Ayon sa mga kabisto, unti-unti raw naiiitsapwera ang isang kilalang spokesperson na as of late, halos laging mukha ng depensa sa media. Noong una, siya ang laging nasa harap. Siya ang sumasalo ng tanong. Siya ang bumabanat.

Pero nang pumasok ang legal team na pinangungunahan ng Fortun Narvasa & Salazar law firm, nag-iba raw ang hangin.

Sa pre-trial conference na natapos nitong linggo, halata raw na odd man out si koya. Hindi na nga raw siya pinapansin ng prosecution team, hindi pa raw siya gaanong sinasali sa usapan ng sariling kampo.

Mas juicy ang bulong ng mga kabisto. Ilang beses daw siyang natarayan ng isang matapang na abogada mula sa defense team. May pagkakataon pa raw na muntik na siyang mataasan ng boses.

Hindi lang iyon. Hindi raw siya kasama sa team huddles. Pati coffee breaks, tila hindi na raw siya kabisado ng core group.

Ang mas masakit? Hindi raw privy si koya sa litigation strategy ng depensa. Habang ang mga abogado ang nagbubuo ng diskarte, siya raw ay naiwan sa gilid, parang extra sa eksena.

Kaya tanong ng mga kabisto: spokesperson pa ba, o decoration na lang sa hallway?

Clue para sa mga gustong manghula: Siya ang naging kilalang fez ng kampo ni VP Sara sa impeachment media war. Pero ngayon, mukhang nilalamon na siya ng mas mabibigat na abogado.

Yun na. Bistado!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles