Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

24 Pilipinong na-detain sa Russia, makakauwi na matapos ang Marcos-Putin talks

KAZAN, Russia – Makakauwi na sa Pilipinas ang 24 Pilipinong na-detain sa Russia matapos ang bilateral meeting nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Russian President Vladimir Putin sa Kazan.

Inihayag ni Marcos ang balita sa panayam ng Philippine media matapos dumalo sa ASEAN-Russia Commemorative Summit.

“I don’t know if people are aware of this, but 24 Filipinos have been in detention in Irkutsk for how many months now? Nine months,” ayon sa Pangulo.

“Wala tayong balita. Hindi natin malaman kung ano na ang kalagayan nila. Sa pagkakaalam natin, hindi naman sila nakasuhan,” dagdag niya.

Ayon kay Marcos, binanggit niya kay Putin ang kalagayan ng 24 Pilipinong na-detain sa Russia sa kanilang bilateral meeting. Ani Marcos, nagulat din si Putin dahil hindi umano ito naabisuhan tungkol sa usapin.

“Noong nag-bilateral meeting kami ni President Putin, binanggit ko ito. At nagulat din siya. Sabi niya, hindi ko alam ’yan. Pag-aaralan namin. Titingnan namin ang nangyayari,” ani Marcos.

Muli raw siyang kinausap ni Putin sa hapunan kasama ang ibang mga lider at nagbigay ng update sa sitwasyon ng mga Pilipino.

“Noong dinner kagabi, kinausap niya ako, sabi niya, nakita na namin ’yung sitwasyon. We found out where the 24 Filipinos are. We found out what the problem is with their case, with their situation,” dagdag ng Pangulo.

Binigyang-diin ni Marcos na sinabi rin ni Putin na walang kasong isinampa laban sa mga Pilipino, kahit nanatili silang naka-detain sa loob ng siyam na buwan.

Ayon sa Pangulo, hiniling niya kay Putin na mabigyan ng impormasyon ang mga pamilya ng mga Pilipino at matulungan silang maresolba ang kanilang sitwasyon.

“So, I said as a request, especially speaking for the families, kung puwede naman, we can find a way that we get some information about them,” ayon kay Marcos.

“Siyempre, respetado natin ang batas ng Russia. Respetado natin ang kanilang pamahalaan. Ngunit kung may paraan, sana magawan natin. At nagkaroon ng paraan,” dagdag niya.

“And now, the 24 Filipinos will be released. They are ready for deportation tomorrow at 5 p.m. So, those 24 will be going home, back to the Philippines, and back to their families,” pahayag ng Pangulo.

Pumunta si Marcos sa Russia para sa ASEAN-Russia Commemorative Summit at bilateral talks kay Putin. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles